HirayaManawarixx
- Reads 455
- Votes 82
- Parts 22
Sa pula sa puti sino ang nagkukunwari?
Naglalaho, lumilitaw, nakakasulasok na lihim ay pilit na aalingasaw.
***
Matapos mamatay ng kanyang ama, hindi na muli nagtiwala pa si Oasy Atienza sa mga awtoridad. Kaya naman nang maaksidente ang matalik niyang kaibigan ay nag-imbestiga siya nang palihim na nagresulta ng labis na kalituhan sa kanyang isip. Dahil una, hindi ito basta aksidente kundi planado. Pangalawa, ang itinuturo ng mga ebidensya ay nag-aagaw-buhay kasama ng biktima.
Sa kabila nito ay umugong ang samut-saring ingay dahil sa sunod-sunod na misteryosong pagkawala ng mga mamamayan. Nabalot ng takot ang lahat nang kumalat ang balita tungkol sa pagkakaroon ng huwad o doppelganger. Nagsimulang magbago ang mundo; walang tigil na pagtangis, krimen at patayan. Ito ang makikita sa taong 2100.
Alamin ang lihim bago pa mahuli ang lahat. Halika na't buklatin ang mga pahina at sabay-sabay na saksihan ang buhay pagkatapos ng taong 2100.
***
Book Cover by Jhade