zafaith
"As long as the waves hit the shore,and as long as the sky refined by the stars,we will meet again"isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa labi ni Xiao Zhan ng marinig ang huling salitang binitawan niya bago matapos ang seryeng The Untamed.Ilang taon na rin ang nakakalipas mula ng maisapubliko ang serye na isa rin sa dahilan ng kaniyang pag sikat sa mundo ng showbiz,ngunit di niya parin magawang isara ang paksang yon ng kanyang buhay at humarap sa mga panibagong proyekto na nag aantay sa kanya.Tila ba may kung anong parte sa katauhan niya ang nais manatili at paulit ulit na sumariwa sa mga panahong yon.Di niya rin mabatid kung bakit palagi niyang napapanaginipan ang mga senaryo sa serye na kung saan kasama niya ang isa ring sikat na actor,dancer,singer, rapper,tv host at professional racer na si Wang Yibo.
Date written: September 20 2021
During the abundance of covid 19 pandemic!