PHR ❣️
21 stories
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 3: Jefferson Sioux by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 112,274
  • WpVote
    Votes 2,604
  • WpPart
    Parts 22
Nagsimulang magbago ang buhay ni Krystel nang malugi ang negosyo ng kanyang ama. At para maisalba iyon sa tuluyang pagkawala ay kailangan nito ang kanyang tulong. She was forced to marry Jefferson Sioux, a business magnate who was the only one who could save her father's business. Wala siyang magagawa kundi ang sundin ang pakiusap ng ama. Though she hated their set-up, maayos na rin iyon dahil mukhang wala ring pakialam sa kanya ang lalaking pakakasalan. He even told her that they could have an annulment after a few months, kapag maayos na raw ang negosyo ng ama niya. Krystel liked the idea. Ngunit isang araw, nagising na lang siyang hinahanap-hanap ang presensiya ng asawa. Paano niya sasabihin dito na ayaw na itong hiwalayan?
[Completed] Party of Destiny Book 12: While We Are Able To Love by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 67,453
  • WpVote
    Votes 1,740
  • WpPart
    Parts 37
Aina dela Cruz was an introvert. Hindi siya mahilig maki-socialize sa ibang tao dahil na rin sa kanyang trabaho at sa isang pangyayari sa kanyang buhay. She was a well-known painter subalit hindi siya tulad ng iba na madalas magpakita sa mga events kung saan nakatampok ang kanyang mga obra. Mas nais niyang manatili sa loob ng bahay at magpinta. Subalit dahil sa pamimilit ng kanyang ilang mga kaibigan ay napilitan si Ynah na sumama sa isang party sa Laiya, San Juan, Batangas. At doon sa lugar na 'yon niya nakilala si Winston. Bigla niya na lang itong nakitang natutulog sa likod ng pick-up na kanyang sasakyan. Dahil na rin sa pagmamakaawa ng lalaki ay napilitan si Aina na hayaan muna itong tumuloy sa kanyang bahay sa Bulacan. Sinabi ng lalaki na wala itong matutuluyan dahil pinalayas daw sa inuupahang bahay. Pinagsilbihan siya ni Winston kapalit ng pansamantalang pakikituloy nito sa poder niya. Naging napakabuti nito sa kanya. At sa paglipas ng mga araw ay unti-unti naman na lumalim ang kanilang relasyon. Subalit tila nawasak ang magandang mundo ni Aina nang mapag-alaman na ang lalaking kanyang pinapatuloy sa sariling pamamahay ay isang takas na kriminal na pinaghahanap ng awtoridad. She was torn. Hindi niya alam kung ano ang dapat piliin - ang gawin ang tama at isuplong ang binata sa mga pulis o tanggapin ito at hayaang magtago sa piling niya habang buhay?
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 8: Lance Barrera by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 70,535
  • WpVote
    Votes 1,913
  • WpPart
    Parts 22
Walang ibang hiling si Denise kundi magkaroon ng maayos na buhay at talikuran ang isang trabaho na napilitan siyang pasukin. Sa trabahong iyon ay nakilala niya si Lance Barrera. Seryoso ito, mayaman pero hindi naging hadlang iyon para magkaroon sila ng magandang pagkakaibigan. Kaibigan lamang ang dapat na ituring ni Denise dito. Pero hindi niya pa rin napigilan ang sariling humigit pa doon ang nararamdaman para kay Lance. Hindi iyon puwede. Nakatali na siya sa ibang lalaki na nagligtas sa kanya sa hindi magandang buhay noon. At siguradong wala ring katugon kay Lance ang kanyang nararamdaman. Palaging sinasabi ng lalaki na may isang parte ng pagkatao nito ang hindi matatanggap ng kahit na sino - ang dahilan kung bakit ito iniwan ng dating asawa at kung bakit nawala na ang paniniwala sa mga salitang 'pag-ibig' at 'pamilya'.
The Cavaliers: DREW by mydearwriter
mydearwriter
  • WpView
    Reads 216,619
  • WpVote
    Votes 5,260
  • WpPart
    Parts 18
The Cavaliers Book 2 Iniwan na naman si Drew ng jowa. Laging ganun ang eksena. Siya ay laging inaayawan dahil mahirap daw karibal ang bayan. Pero anong magagawa niya? Mas importante ang sinumpaan niya. Magkaka-lovelife pa ba siya? *** follow me on Twitter and Instagram *** @mydearwriter
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 143,361
  • WpVote
    Votes 6,448
  • WpPart
    Parts 93
A famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters ng SCIU - another murder and the killer's suicide. Sa pagiimbestiga ng kaso, nalaman nina Jemimah na iisa lamang ang gumawa ng lahat ng iyon. Isang serial killer ang gumagala sa lungsod, pinaglalaruan ang isipan ng mga tao para sila ay pumatay at pagkatapos ay kitilin ang sariling buhay. Isang monster na ginagawang puppet ang mga tao... Pero hindi magiging madali ang lahat, lalo na at iniimbestigahan nila ang serial killer na nagtatangkang sumira sa kasiyahan nilang lahat - si Destroyer...
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 113,621
  • WpVote
    Votes 3,594
  • WpPart
    Parts 64
Cops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhere. Isa pang kailangan nilang pagtuunan ng pansin ay ang mga mensaheng ipinapadala sa SCIU patungkol sa mga lugar na planong bombahin. Lots of lives were at stake and they needed to work faster. Pero hindi lang pala iyon ang problemang kakaharapin ng kanilang team, mayroon pang isang problemang sisira sa grupong matagal na inilagaan. Sisira sa kasiyahan at pag-asa ng bawat isa...
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 5: Nico Santiago by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 66,208
  • WpVote
    Votes 1,825
  • WpPart
    Parts 21
*This is an unedited version.* Dianne was a widow - a virgin widow to be exact. Simula ng mamatay sa isang aksidente ang asawa niyang si Arnold ay ipinangako niya sa sariling hindi na uli siya magpapatali sa isang relasyon kung saan walang napapala kundi pawang sakit, paghihirap at kalungkutan. Subalit isang malaking pagbabago ang nangyari sa buhay niya nang muling makatagpo si Nico Santiago isang taon matapos mamatay ng asawa. Si Nico ay isa sa malalapit na kaibigan nila ni Arnold. Silang tatlo ang madalas na magkasama noon. Hindi maintindihan ni Dianne kung bakit nag-iba ang klase ng pagtrato at pagtingin ni Nico sa kanya ngayon. Pero mas higit na hindi maintindihan ni Dianne ang sayang nararamdaman kapag kasama ang binata. At maging ang pagpapadala niya sa bawat halik at haplos nito. Hindi ito tama. Kaibigan si Nico ng dating asawa at siguradong pag-uusapan siya ng mga tao kung sakaling patuloy siyang makikitang kasama ito. At isa pa, isang sekreto ng asawa ang pinaka-iingatan niyang itago - isang sekretong nagkulong sa kanya sa pagsasama nila ng mahabang panahon. Isang sekretong hindi niya maaaring ipaalam sa ibang mga tao. Magagawa niya bang patuloy na panghawakan ang sekretong iyon at bitawan ang sariling kaligayahan?
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 6: Kenny Fabella by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 61,133
  • WpVote
    Votes 1,934
  • WpPart
    Parts 20
Gustong-gusto ni Clarice na makatapos ng pag-aaral dahil nais niya nang baguhin ang takbo ng sariling buhay. She was left alone in an early age kaya sanay na siyang mag-trabaho para sa sarili. Then one day, dumating na ang trabahong sagot sa problema niya. Iyon ay ang maging nanny ng baby ng isang sikat na movie director na si Kenny Fabella, ang lalaki na yata ang pinakamayabang at masungit na lalaking nakilala. Hindi maintindihan ni Clarice kung bakit ganoon na lang ang kawalan nito ng interes sa batang kanyang inaalagaan. Ilang beses din na sinabi ng lalaki na hindi nito anak ang bata. Ganoon na ba talaga ang mga magulang ngayon? Madali na lang para sa kanila ang iwanan o 'di kaya ay itanggi ang kanilang mga anak? Kung puwede nga lang sana niyang batukan ang Kenny na iyon ay matagal nang ginawa. Subalit sa kabila ng inis na nararamdaman ni Clarice ay hindi naman naiwasang unti-unting mahulog ang kanyang loob sa masungit na amo. Hindi niya maiwasang hilingin na sana ay siya na lamang ang ituring na ina ng batang inaalagaan.
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 7: Judd Samaniego by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 57,225
  • WpVote
    Votes 1,441
  • WpPart
    Parts 16
Sa wakas ay natupad na rin ni Jillianne ang pangarap na maging isang kilalang reporter at utang niya ang lahat ng mga nakamit na tagumpay sa pamilya ni Christopher Samaniego, Jr. She once worked as a maid in their home, kapalit ng libreng pagpapa-aral nito sa kanya. Masaya na si Jillianne sa kanyang panibagong buhay kasama ang nobyong si Roger Yap, isang businessman na laging nasa kanyang tabi tuwing kailangan ng tulong. They were engaged to be married and she couldn't wait to have him as her husband. A few months before their wedding, hindi inaasahan ni Jillianne na muli niya pang makikita si Judd Samaniego - ang makulit na pinsan ng dating amo na si Christopher. Walang ginawa ang lalaki noon kundi ang pahirapan siya. Subalit malaki na ang ipinagbago nito, hindi na ito ang batang Judd na palaging nanggugulo sa kanya. Umaakto pa itong parang ni minsan ay hindi siya nito nakilala o nakausap. Ayos lang naman iyon kay Jillianne, ayaw niya rin namang magkaroon pa ng koneksiyon sa lalaki. Kung may utang na loob siya sa mga Samaniego, kay Christopher lang iyon at sa pamilya nito. Pero bakit pakiramdam niya ay puno ng galit ang bawat tingin at salitang binibitawan ni Judd sa kanya tuwing magkakaharap sila? Ano ba ang nagawa niya para kamuhian siya nito?
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 516,284
  • WpVote
    Votes 9,338
  • WpPart
    Parts 63
Nanganib ang buhay ni Keira sa kamay ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya tumakas siya mula sa kanilang hacienda. Napadpad siya sa katabing hacienda. At sa gitna ng taniman ng mga tubo ay natagpuan siyang marungis at sugatan ni Jeremy Fabella. Keira knew she had found her safe haven in Hacienda Fabella. Umisip siya ng paraan para hindi mapaalis doon. Nagtago siya sa ibang pangalan at sinabing nagdadalang-tao siya. Tutol si Jeremy sa pananatili niya sa hacienda pero wala itong nagawa sa pakiusap ng mabait nitong ina. Gayuman, hindi nangingimi ang binata na ipakita kay Keira na hindi siya welcome doon. Palaging masungit at arogante si Jeremy sa kanya. Pero isang gabi, natagpuan ni Keira ang kanyang sarili na nakapaloob sa mga bisig ng guwapong binata at ginagawaran siya ng mainit na halik sa mga labi. Dala ng bugso ng damdamin, ipinagkaloob ni Keira ang sarili kay Jeremy - hindi alintana na sa ginawa niya ay mabubulgar ang mga itinatago niyang lihim... {This is an unedited version. There are some scenes that are only available in the published novel. The Breakers Corazon Sociedad is a series published under Precious Hearts Romances written by Venice Jacobs. The first book (Jeremy Fabella) was published on April 2014. The series is still on going and available in all Precious Pages Book Stores & National Book Stores nationwide.}