lala_pot26's Reading List
6 stories
Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 473,201
  • WpVote
    Votes 9,184
  • WpPart
    Parts 21
"Hindi lahat ng nagpapakasal ay nag-iibigan, Diana. I have loved a woman once, perhaps love her still. But I broke to pieces when she died. Hindi ko na gustong maranasan pa ang pangyayaring iyon. I will marry you because I desire you at dahil kailangan ko ng asawa," walang emosyong sabi ni Bernard. Hindi kailanman itinanggi ni Bernard na hanggang sa mga sandaling iyon ay mahal nito si Jewel. Pero inalok nito ng kasal si Diana nang dahil lang sa physical attraction nila sa isa't isa. Walang emotional attachment. Ano ang gagawin ni Diana? Nahahati siya sa pagitan ng panganib na nakabadya sa kanya at sa pag-ibig niya kay Bernard.
The Farmer And The Heiress by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,218,442
  • WpVote
    Votes 31,260
  • WpPart
    Parts 30
Elleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos Region na minsan lang niyang nakita noong mag-aanim na taong gulang siya. Pero biglang mababago ang lahat dahil sa iniwang sulat ng kanyang yumaong ina. Hiniling nito na sa pagtuntong ni Elleana ng veinticinco, pupunta siya sa Ilocos upang pangasiwaan ang hacienda. Doon ay nakilala niya si Felipe, ang lalaking "antipatiko" ang middle name at mas marami pa yatang irritating cells na dumadaloy sa katawan kaysa sa red blood cells! Ngunit taglay nito ang pinakamagandang mga mata na nakita niya at malilinis na kuko sa mga paa sa kabila ng pagiging isang magsasaka. At ayon pa sa lalaki, ito ang pinakaguwapo at pinakamakisig sa mga lalaking nakilala na niya. Kaya bang makipagsabayan ng kanyang British accent sa lalaking ang vocabulary ay naglalaro lang sa tinuran, sakbibi, nababatid, and the likes?
Sexy and Dangerous (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,121,689
  • WpVote
    Votes 26,637
  • WpPart
    Parts 23
"Kung hindi ba ako isang bodyguard mo lang, mamahalin mo rin ako?" Sa unang pagkakita pa lamang ni Redentor kay Samantha ay kinainisan na niya ito. Marahas, walang finesse, at tila lalaki. Pero wala siyang magawa, pinagbabantaan ang buhay niya at ito ang napili ng pinsan niyang maging bodyguard niya at sinasabing si Samantha ang pinakamahusay. Sa unang pagkakita pa lang ni Samantha kay Redentor ay gusto nang lumukso ng puso niya. Magdadaan muna sa ibabaw ng seksing katawan niya ang sinumang nagnanais na saktan ito. Then she realized Red had a girlfriend-babaeng ang mga katangian ay ang kabaliktaran niya: Mestiza, petite, and voluptuous, at malaanghel ang kagandahan. While Samantha was tall, dark, rough, and tomboyish. Mauunsiyami ba ang damdaming noon lang niya naramdaman sa buong buhay niya?
Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 939,248
  • WpVote
    Votes 18,603
  • WpPart
    Parts 23
Alaina loved and adored Nick mula pa nang unang makita ang lalaki. Pero nanatiling isang panaginip lamang iyon. Isang trahedya ang dumating sa buhay ng mga Gascon and Nick didn't only take refuge in Sto. Cristo, he took her innocence as well. Ang masakit, hindi iyon alam ni Nick. Ang higit pang masakit, ibang pangalan ang tinatawag nito while he made love to her. At ang pinakamasakit, sa mismong araw at oras na iyon ay binayaran siya ni Franco Navarro para huwag nang makipagkita pa kay Nick.
Kristine 4, Jewel, black Diamond COMPLETED  (UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 654,884
  • WpVote
    Votes 16,783
  • WpPart
    Parts 22
Nagawang paghiwalayin ni Leon Fortalejo sina Jewel at Bernard noong una. Nagkaroon ng relasyon si Bernard kay Sandra kaya umalis si Jewel patungong Amerika with a broken heart. After almost three years, bumalik siya sa kagustuhan na rin ni Leon. Si Bernard ay malaya na ngayon. After years of loneliness and miseries, muli silang nagkasundo at nagpasyang magpakasal. Pero taglay ni Leon Fortalejo ang lihim ng pagkatao ni Bernard na nakatakdang sumira sa pag-ibig ng dalawa. Magtagumpay kaya si Leon sa ikalawang pagkakataon?
Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,841,652
  • WpVote
    Votes 41,378
  • WpPart
    Parts 50
When Lance Navarro whispered "I do..." Erika Rose saw hatred and contempt in his eyes. Pero hindi doon natapos ang galit ng bunsong lalaki ni Franco Navarro. Minutes after the forced wedding, dinala siya nito sa kaibigang tattoo artist and to her horror, Lance branded her for life. At bago siya nawalan ng malay, she saw cruelty imprinted in his eyes. Iyon ang huling pagkakita niya kay Lance for he left her on the same day he married her. At sa loob ng tatlong taon, tinaglay ni Erika Rose sa tapat ng puso ang tatak ng kalupitang iyon.