Fedejik's stories
13 stories
FALLING SLOWLY by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 1,092,910
  • WpVote
    Votes 11,047
  • WpPart
    Parts 32
Sikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show na 'We Got Married' kung saan kakailanganin niyang tumira sa iisang bahay kasama ang pretend wife niya. Pero tila hindi niya inaasahang sa mas may edad siyang singer ipapareha, kay Estella Hwang na halos 6 years ang tanda sa kanya. Pero habang tumatagal silang magkasama sa bahay, unti-unting nabubuo ang pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Gayunpaman, hindi magawang panindigan ni Raphael ang damdamin para sa babae kaya nang matapos ang variety show ay pinutol na rin niya ang kahit na anong ugnayan sa pagitan nila. Nang dumating ang pagkakataong mag-krus ulit ang landas nila, muli niyang naramdaman ang pag-ibig na kailanman ay hindi nawala sa puso niya. Magagawa pa kaya niyang makuha ulit ang pag-ibig nito gayong may pakakasalan na itong iba?
BACK INTO LOVE by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 423,294
  • WpVote
    Votes 14,387
  • WpPart
    Parts 50
Terrence will always be Chloe's first love. Lumaki silang magkababata ng lalaki, pero ang batang puso niya ay maaga ring nahulog dito. Lantarang ipinakita niya rito ang kanyang pagmamahal kahit na nga wala pa siyang alam sa bagay na iyon. He was her number one supporter ever since she started dreaming of becoming a famous singer someday. Nang abot-kamay na niya ang kanyang mga pangarap ay nagsimula na rin ang pag-iibigan nila ni Terrence kahit pa sa murang edad. Pero dumating ang panahon na kinailangan niyang mamili sa pagitan ng pag-ibig at pangarap. Pinili niya ang huli at magkasala sa pag-ibig. Pinili niyang layuan ang lalaking hindi rin pala niya kayang kalimutan hanggang sa huli. She pursued him, but he kept pushing her away. Magagawa pa nga rin bang paibigin ni Chloe si Terrence sa kabila ng mabigat na kasalanan niya sa nakaraan? Matutunan din kayang magpatawad ni Terrence sa kabila ng lahat?
MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published) by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 4,920,667
  • WpVote
    Votes 134,069
  • WpPart
    Parts 60
"Isang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek," usal ni Isay. Planado na umpisa pa lang. Matindi ang kagustuhan niyang mapa-ibig ni Danzel kung kaya ginagawa niya ang lahat makuha lamang ito. Ang pag-ibig niya'y isang patibong. Patibong na sa huli ay siya rin pala ang mahuhulog at masasaktan. Paano nga ba maitatama ng pag-ibig ang nakaraang nagpabagsak sa kanilang dalawa?
TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published) by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 18,691,409
  • WpVote
    Votes 332,618
  • WpPart
    Parts 87
Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at certified Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at naging mapaglaro sa mga babae. Malaya niyang ginagawa ang mga bagay na maibigan hanggang sa ipatapon siya ng kanyang mga magulang sa hacienda. Doon niya nakilala si Janella na anak ng kanyang yaya. At dahil sa natural siyang mapaglaro sa babae ay 'di pa rin niya naiwasang ilapit ang sarili dito dahil iniisip niyang init lang ng katawan ang lahat. Pero habang nagtatagal ay nakakaramdam siya ng mga bagay na 'di niya naramdaman para sa ibang babae. Pero sa kabila noon ay tinalikuran pa rin niya si Janella. Hanggang sa magkrus na naman ang kanilang landas. At noon n'ya napatunayan kung gaano kahalaga sa kanya ang babae. Pero paano pa nga ba niya mapapaniwala si Janella kung nakatakda naman siyang pakasal sa iba?
NO ORDINARY LOVE by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 1,116,655
  • WpVote
    Votes 20,356
  • WpPart
    Parts 54
Noon pa man ay crush na ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero kailanman ay hindi niya iyon ipinaalam sa kanyang mga kaibigan dahil na rin sa pag-aalalang tuksuhin siya ng mga ito. Pero bago pa man sila magkakilanlan nang husto ni Liam, nakilala rin niya ang nakakatandang kapatid nito na si Ian na naging masugid na manliligaw niya. At dahil mabait naman si Ian, sumubok siya sa pag-ibig nito. Ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang niyang napagtanto na si Liam pa rin talaga ang isinisigaw ng kanyang puso.
BABYSITTING THE TOP-NOTCH BRAT by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 4,368,805
  • WpVote
    Votes 130,584
  • WpPart
    Parts 56
Raynesha Deanise Samaniego or Ysha loves the freedom too much. Kaya naman nang mawala ang kalayaan sa kanya ay ganoon na lang ang kanyang paninibago. Kung magbabalik siya sa kalayaan ay puwede lamang niya iyong ikapahamak pati na rin ng kanyang mga mahal sa buhay. Kaya pinili niya ang magtago kasama si Russel Dylan Dela Rosa na hindi man lang niya nakikilala. She was indeed attracted to Russ dahil sa perpektong pisikal na anyo nito. At nang mabigyan siya ng pagkakataong makilala ito ay higit niyang nagustuhan ang pagkatao nito. Unti-unti siyang nabago dahil sa pag-ibig dito na hindi niya alam kung may patutunguhan. Dahil alam niyang kapag bumalik sa dati ang buhay niya, possible rin itong maglahong parang bula at maiiwan siyang luhaan.
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction) by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 54,282,792
  • WpVote
    Votes 761,268
  • WpPart
    Parts 91
Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae hanggang sa makilala niya ang pinsan ng kanyang kaibigan na si Jordan. Si Jordan ang kabaligtaran ng pinapangarap niyang babae pero tuluyang bumihag ng kanyang puso. Ang babaeng handa niyang pag-alayan ng lahat pero sa bandang huli'y siya rin palang makakasakit sa kanya. ******** WARNING: RATED SPG! No need to read Loving Sebastian Greene to understand this story, okay? But I hope you'll enjoy this one like the way you enjoyed my other stories. Readers should be at least 18 y/o and above. Thank you!
AND I LOVE YOU SO by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 2,257,824
  • WpVote
    Votes 41,568
  • WpPart
    Parts 64
Two different people with two different worlds, fall so deeply in love with each other, but only to find out in the end that they can't be together... Si Katie Del Castillo ay nag-iisang anak at spoiled brat. Kinaiilagan din siya ng lahat dahil sa masamang ugali at pagiging matapobre. Hanggang sa makilala niya si Ricky Olivares na anak mahirap, pero matalino at gwapo. At labag man sa loob niyang tulungan si Katie ay ginawa pa rin niya dahil malaking tulong rin ang kikitain niya para sa kanyang pag-aaral. Pero tila ang pagtulong ay hahantong sa pag-iibigang sa bandang huli'y di naman din pala nararapat para sa kanila dahil sila'y magkapatid sa ama. Book Cover by Silvere Augive
FOREVER WITH YOU by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 696,569
  • WpVote
    Votes 12,082
  • WpPart
    Parts 23
She fell in love with him. She got rejected. He fell in love with her. She already has someone else. Book Cover by @Thirty_Celsius
LOVE CONTRACT by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 1,361,903
  • WpVote
    Votes 23,766
  • WpPart
    Parts 38
Hindi naniniwala si Min sa pag-ibig. Walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang maiahon ang pamilya sa hirap. Kaya naman nang makilala niya si Lee, isang Fil-Amboy, hindi na niya iyon pinakawalan. Gusto niyang makarating sa America at alam niyang magagawa niya iyon kapag pinakasalan siya ni Lee. Ang hindi niya alam, iba naman ang intensyon ng lalaki. Handa itong pakasalan si Min upang hindi na bumalik pa sa America. Kung kaya naman umabot sila sa puntong gumawa sila ng isang kontratang magtatali sa kanila sa pag-ibig na hindi nila parehas inaasahan. Book Cover by Brianna Jan Dizon Roger