Itsme_kwenny
- Reads 133,963
- Votes 4,717
- Parts 72
Doulogy Series #1
Maldita at matatag si Trishianna Jelly May Gonzaga. Ulila sa murang edad, pinilit niyang harapin ang buhay at maghanap ng paraan upang makaahon. Sa kanyang paghahanap ng trabaho, nakilala niya si Hyderson Demonvil Montecarlo-lalaking magiging sentro ng gulo at kilig sa kanyang buhay.
Hindi niya inaasahan ang hamon ng pagiging katulong sa isang amo na ubod ng strikto at sungit. Ngunit sa halip na matakot, ipinakita ni Trishianna ang kanyang maldita at palaban na ugali. Sa paglipas ng dalawang buwan, natupad niya ang pangarap na makapag-aral muli, salamat sa tulong ni Hyderson.
Ngunit hindi naglaon, sumulpot ang intriga-mga bagong kakilala, kapatid ni Hyderson, mga bully sa paaralan, at si Clarity Concepción, na unti-unting nagbubunyag ng nakatagong lihim ng kanyang pamilya.
At sa gitna ng lahat, isang laro ng pag-ibig ang magtatakda kung susukuan niya ba ang tunay na nararamdaman o mananatiling matapang.