isiiah01's Reading List
54 stories
[The Bachelors Downfall Series #4] When Love and Hate Collide  by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 1,713,420
  • WpVote
    Votes 31,075
  • WpPart
    Parts 41
Simula ng dumating ang bagong pamilya ng ama ay napilitang umalis ni Lex sa bahay nila na punong puno ng alaala ng kanyang yumaong ina. Hindi nya kayang makasama ang mga ito. Ang ama nya ay tila wala ng respeto sa yumao nyang ina at sa bahay pa talaga itinira ang bagong pamilya. Lalo pang lumaki ang hidwaan nilang mag ama. Halos isuka na nila ang isa't isa. Mukhang kaya syang ipagpalit ng ama sa bago nyang pamilya. At natitiyak nyang pera lang at yaman ang habol ng bago nyang pamilya. Kaya nagbago ang isip nya at bumalik sa bahay para bantayan ang bagong pamilya. Lalo na at ang anak ng madrasta nya ay feeling prinsesa. Kung umasta ay parang pag aari nya ang bahay. Ubod pa ng kulit at arte. Ngunit sa kabila ng kakulitan at kaartehan nito ay hindi nya naman maitago ang pagnanasang nararamdaman nya para rito. Ubod din kasi ito ng ganda at ubod din sa kaseksihan. Kaya hindi nya tuloy alam kung ano ang dapat panaigin nya. Ang init ba ng ulo nya sa taas o init ng ulo sa baba. Alexander Cortez and Graciella Serapino story #tagalog #mature #erotic
[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot  by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 2,616,454
  • WpVote
    Votes 44,330
  • WpPart
    Parts 41
Ako si Mecaela. Isang simpleng dalagang probinsyana. Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan akong huminto sa pag aaral at lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho. Pero dahil hindi nakapagtapos ay nahirapan akong makahanap ng magandang mapapasukan. Kaya napilitan akong mamasukan bilang isang kasambahay ng isang gwapo at machong lalaki na medyo bastos na kung sino sinong babae ang dinadala sa bahay at saksi pa ako sa kaharutan nya. Paano kung isang araw ako naman ang harutin nya? Papalag ba ako o papayag? Austin De Clemente and Mecaela Caperiña story. #MATURE_CONTENT #EROTIC #TAGALOG Read at your own risk! 🔞 June 2022
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 1,976,046
  • WpVote
    Votes 43,808
  • WpPart
    Parts 50
Naniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman nya kasalanan yun dahil unang una palang ay sinabihan na nya ang mga ito na wag mai-inlove sa kanya. Ngunit isang araw may isang matandang babaeng wala yata sa sarili nito at hinulaan sya. At ayon nga daw sa kapalaran nya ay nalalapit na ang karma nya. Ang babaeng magpapatibok ng triple sa bato nyang puso. Ang babaeng magpapaiyak sa kanya. Ang babaeng mahihirapan syang mapaibig kahit lumuhod pa sya sa asin. Tinawanan lang nya ito. Hindi sya naniniwala sa karma. Tao lang ang gumagawa ng karma nya. Pero ng makilala nya si Maggie ang hipag ng kaibigan nyang si Austin ay nagiba ang tibok ng puso nya. Unang kita pa lang nya dito ay alam nyang tinamaan na sya. Pero hindi pala ganun kadali ang pagdadaanan nya para mapaibig ito. Dahil desi syete lang ito at malaki pa ang pagkadisgusto sa kanya, laging nakasimangot tuwing nakikita sya. Ang isip nya ay nagsasabi na kalimutan na lang ito at ibaling na lang ang atensyon sa iba, ngunit ang puso nya naman ay ito lang ang hinahanap hanap kahit halos isumpa sya nito ng sirain nya ang date nito sa lalaking gusto nito. Danon Acosta and Maggie Caperiña story #MATURE #TAGALOG
DG Series #5: My Grumpy Kuya Matias by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 2,756,038
  • WpVote
    Votes 58,080
  • WpPart
    Parts 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paano ba naman sobrang strict ng kanyang Kuya Atlas lalo na noong nag aaral pa sya. Pero ngayong graduate na sya ang sabi nito ay pwede na syang magpaligaw. Syempre tuwang tuwa sya. Yun nga lang ay may isa pa syang kuya-kuyahan na mas strict pa sa kanyang Kuya Atlas. Si Kuya Matias. Si Kuya Matias na ubod ng sungit, moody, stoic face, manhid, parang tuod at wala yatang pakiramdam. Pala-patol din ito sa tantrums nya. Sa limang kaibigan ng kanyang Kuya Atlas ay ito ang pinaka hate nya, pero pinaka love nya rin. Dahil kahit sinusungitan sya nito di naman sya nito matiis. Ito ang takbuhan nya sa tuwing kinakapos sya. Ito rin ang utangan nya at lagi nyang nahihingian ng donasyon sa munti nyang animal shelter. Mabait naman si Kuya Matias. Pinaglihi nga lang sa sama ng loob kaya parang laging nireregla sa kasungitan. Ngunit lalong nadadagdagan ang kasungitan nito sa tuwing nakikita syang may kasamang lalaki. Tila ba ito nag iibang anyo. Pinagbabantaan nito ang mga lalaking lumalapit sa kanya. Kaya paano sya magkakaboyfriend? Mas strict pa ito kesa kay Kuya Atlas. Matias Santiago and Ava Montecillo story #MATURE_COTENT #TAGALOG_STORY
DG Series #1: Captive Heart by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 3,177,189
  • WpVote
    Votes 59,150
  • WpPart
    Parts 50
Si Aitana ay simpleng guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan. Hindi naman talaga nya pangarap ang maging guro. Naging guro sya dahil sa tiyahin nyang matandang dalaga na dati ding isang guro na retirado na. Ang pangarap talaga nya ay maging isang beauty queen. Matalino naman sya, maganda at sexy. Yun nga lang kapos sya sa height at medyo lagapak sa behavior. Madalas syang napapaaway sa totoong buhay man o sa social media kaya madalas din syang nawawarningan sa school. Pero masusubok yata ang powers nya sa isang gwapo, matangkad at machong pulis pero ubod ng arogante at dominante. Uubra kaya sya dito o matitiklop sya? Lorenzo Villegas and Aitana Mangubat story #MATURE #TAGALOG
DG Series #2: Truly Madly Deeply In Love by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 2,556,807
  • WpVote
    Votes 52,607
  • WpPart
    Parts 52
Si Luis Gregory Federova o Luigi sa kanyang mga kaibigan ay isang kilalang businessman. Bukod sa sarili nyang negosyo ay pinamamahalaan din nya ang malaking kumpanyang iniwan sa kanya ng yumaong lolo. Tuso sya at isang matinik na negosyante. Pero bukod sa pagiging matinik na negosyante ay matinik din sya sa mga babae. Kilala din syang mainitin ang ulo at maiksi ang pasensya sa mga taong ginugulangan sya. Pero pagdating kay Ivona ay para syang maamong tupa. Hindi sya nagpapakita ng pangit na ugali dito dahil natatakot syang ma-turn off ito sa kanya. Matagal na nyang gusto ang dalaga. High school pa lang ito ay crush na nya ito. Hanggang sa isang mainit na gabi ang pinagsaluhan nila. Para syang nanalo sa lotto ng mapagalaman nyang sya ang una nito sa sa lahat. At gagawin nya ang lahat maulit lang ang langit na tinamasa nya sa piling nito. Kinaumagahan ay nagising syang may nakatutok na baril sa kanya. Nasa kwarto na pala ang mga magulang ni Ivona at galit na galit na nakatingin sa kanya. Ang akala ng mga ito ay pinilit nya si Ivona. Tinakot sya ng mga itong idedemanda ng rape kung hindi nya pakakasalan si Ivona. Pumayag naman sya hindi dahil sa takot syang maidemanda kundi gusto nyang ariin na ng buo si Ivona at ikulong sa piling nya ng habang buhay. Ngunit nalaman nyang planado lang pala ang lahat dahil gusto ng mga itong kikilan sya ng pera. Namuhi sya sa dalaga pero hindi nya ito kayang pakawalan. Luis Gregory Federova and Ivona Aguaz story #TAGALOG #MATURE-CONTENT
DG Series #4: I'm Yours And You Are Mine Only by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 1,373,466
  • WpVote
    Votes 31,924
  • WpPart
    Parts 43
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya ito. Malaki ang kasalan ni Kester sa kanya at hindi nya ito mapapatawad. Kasalanan nito kung bakit nakipaghiwalay sa kanya ang first love at first boyfriend nya. Kasalanan nito kung bakit maaga syang nabigo sa pag ibig. Ayaw na ayaw nyang nakikita ito pero ang hudyo ay parang nanadya pa at pupunta pa mismo sa eatery nya para lang laitin ang mga luto nya. Para bang hindi buo ang araw nito na hindi sya nabubwisit. Kulang na lang ay tadtarin nya ito ng pino at isahog sa niluluto nya. Gwapo sana ito pero gago. Nuknukan din ng tsismoso at pilyo. Lantaran din syang inaakit nito. Akala naman nito ay maaakit sya sa taglay nitong karisma. Pero traidor at marupok ang puso nya. Unti unti itong naaakit sa karisma nito. Kester Belleza and Crizelda Romina Sales story #TAGALOG #MATURE_CONTENT #RATED_SPG
My Hot Kapitbahay by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 1,135,385
  • WpVote
    Votes 27,599
  • WpPart
    Parts 44
Dahil bigo sa unang pag ibig si Racquel ay lumayas sya sa Manila at nagbalik probinsya. Doon ay ginamot nya ang pusong sawi at sugatan. Ngunit hindi pa naghihilom ang sugatang puso ay tila gusto na agad nitong sumabak muli sa panibagong laban ng pag ibig. Sino ba naman kasi ang hindi iibig sa kanyang kapitbahay na saksakan ng kisig at gwapo? Juan Miguel Herrera & Racquel
[The Bachelors Downfall Series #3] Be My Baby  by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 2,451,435
  • WpVote
    Votes 43,470
  • WpPart
    Parts 43
Paano ba pigilan ang damdaming umuusbong sa babaeng simula pa lang pagkabata ay tinuring mo nang kapatid? Sebastian Albano & Althea Canlas story #tagalog #mature #spg13
Tears of Heaven (Tears Series #1)  by MsKindGirl
MsKindGirl
  • WpView
    Reads 7,592,349
  • WpVote
    Votes 181,219
  • WpPart
    Parts 55
PUBLISHED UNDER TALKING PAGES Tears Series #1: Sieana Claire Atienza Naisipan ni Sieana Claire Atienza na lumuwas ng Manila para doon na mag-aral. Tutol man ang kanyang mga magulang, nagpumilit pa rin siya sapagkat may gusto siyang takasan. Walang iba kundi ang lalaking nanakit sa puso niya, ang kanyang first boyfriend. Hindi niya akalain na sa loob ng dalawang taon nilang relasyon ay niloloko na pala siya ng taong lubos niyang minahal. Masakit. Sobrang sakit para sa kanya kasi halos ibigay na niya ang lahat pero nagawa pa rin siyang lokohin nito. Isa lang ang nasa isip niya, ang lumayo sa lalaking nanakit sa kanya. Sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya magmamahal kasi natatakot na siyang muling masaktan. Posible nga kayang mangyari 'yon kung makilala niya si David Ryker Santiago na ubod ang sama ng ugali sa Univeristy na kanyang nilipatan. Marami rin ang nagsasabi na aloof ang lalaking 'yon kasi iwas siya sa mga tao. Ngunit paano kung ang aloof guy na tinatawag nila'y wala nang ginawa kundi ang bwisitin siya... Hahayaan niya bang makapasok 'to sa buhay niya o ilalayo niya ang kanyang sarili kasi natatakot na siyang muling masaktan pa? Cover is not mine. Credits to the rightful owner.