JheckJheck
- Reads 2,536
- Votes 63
- Parts 11
TRAILER
"Ikaw ang unang nagtaksil, Nagawa ko lang 'yon dahil sa sobrang sama ng loob ko sa'yo!" palahaw ng isang babae.
"Maawa ka sakin! Maawa ka!"
Pero tila hndi na kilala ng lalaki ang salitang awa ng mga sandaling iyon. Matinding poot ang nangingibabaw sa puso nito. Desidido na itong ipalasap sa babae ang kamatayang kasing sakit ng pagyurak nito sa kanyang pagkalalaki.
Umalingawngaw ang isang malakas na sigaw ng babae.
Nagkagutay-gutay ang katawan nito sa bangis ng mga "pangil" ng chain saw!
Isang puno ang huling namataan..
----====o====----
Habol ang hninga at pawis na pawis si Ramara ng magising sa isang nakakapangilabot na panaginip na hindi niya alam kung anong ibig ipahiwatig, ni hndi niya nga alam kung sino ang nasa kanyang panaginip, pero kung sino man ang babaeng iyon ay tiyak na masaklap ang sinapit sa kamay ng kanyang kasintahan..