Misa_Crayola
He's my first love, inilagay ko siya sa pedestal at halos sambahin. Lahat ng sabihin niya ay musika para sa 'kin, mula sa malaking size ng pangangatawan ay nag-diet ako para mas tingnan niya ako. Sa lahat, anghel siya para sa 'kin, dahil habang tumatawa ang iba ay siya lang ang nag-abot ng kamay sa 'kin at nagbigay ng ngiti na walang halong panlalait o pandidiri.
Sobrang saya ko nang halikan niya ako, maging ang palitan ng mga mensahe at pag-asang sa maganda kami patungo, pero nalaman kong habang umaasa ako sa mas malalim na relasyon, umaasa rin pala siyang tingnan ng iba. Ginamit niya akong panakip butas, at nang hindi na niya kailangan ay pinabayaan na niya. Sa sobrang sakit ng ginawa niya sa 'kin ay naging sobrang galit ang pumalit sa pagmamahal kong sobra-sobra noon para sa kanya...
Gaganti ako sa panloloko niya sa 'kin.
Gaganti ako hanggang maranasan niya ang sakit na naranasan ko nang iwanan niya ako para sa iba...