MC
24 stories
SWEETHEART 14: Sensual by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 223,381
  • WpVote
    Votes 3,020
  • WpPart
    Parts 30
Tamara Alba was a pretty fifteen-year-old girl from the other side of town. Her family was an outcast, itinuturing na yagit at basura sa bayang iyon. Gayunman, hindi hadlang iyon upang pangarapin niya si Sean DeSalvo, ang anak ng pinakamayamang tao sa Trinidad. He was the center of her universe. And yet it would remain her best-kept secret. Pagtatawanan at lalaitin siya ng lahat kapag may nakaalam sa damdamin niya para dito. Sean hated her family pagkasuklam na humantong sa pagpapalayas nito sa pamilya niya mula sa lupang pag-aari ng pamilya nito. Hindi pa man sila nakakalayo ay inutusan na nito ang mga kaibigan nitong sunugin ang bahay nila. Foolishly blinded by love, hindi nagkapuwang ang poot sa dibdib niya. Young Tamara left town-keeping Sean DeSalvo in her heart. -Credits to Martha Cecilia-
Kristine 10 - Wild Heart (COMPLETED) (UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,201,915
  • WpVote
    Votes 27,108
  • WpPart
    Parts 33
Jenny Navarro. Socialite princess. Habang ang ibang anak ng mayayaman ay nasa ballet and piano lessons sa murang gulang, siya'y nasa ibabaw ng stallion. At nang magdalaga, habang ang mga kasinggulang niya'y nasa disco at social functions, siya'y dalubhasa sa martial arts at pagpapalipad ng helicopter and a markswoman. Zandro Fortalejo. Sa kanyang palagay ay si Jenny ang kabuuan ng babaeng hindi niya type. Wild, rich, and spoiled. Pero bakit niya tinanggap ang suhestiyon ni Franco that he tamed the wild heart?
PHR: The Substitute Bride (Teaser) by YroEno
YroEno
  • WpView
    Reads 152,013
  • WpVote
    Votes 1,403
  • WpPart
    Parts 28
"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil may kasintahan na ito at nakatakdang pakasalan, si Candra. Dalawang linggo bago ang kasal nito ay umalis si Candra, leaving a note to postpone the wedding for at least a week. Walang balak si Brent na i-postpone ang kasal nito. And he needed a substitute bride to save his family from scandal at upang pasakitan si Candra. At available si Wilda. Tatanggapin ba niya ang katuparan ng kanyang mga pangarap?
PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The Beauty (Teaser) by YroEno
YroEno
  • WpView
    Reads 16,505
  • WpVote
    Votes 174
  • WpPart
    Parts 18
"Gising ako sa buong magdamag, Aurora. Kinatatakutan ko ang magiging reaksiyon mo sa pagkatuklas mo sa pagkatao ko..." Napatay ang tatay ni Aurora nang pasukin ng masasamang-loob ang kanilang tindahan ng alahas sa Bulacan. At hindi niya mapaniwalaan ang kanyang nalaman-ang mastermind sa panloloob ng kanilang tindahan ay ang lalaking binalak niyang pakasalan. Tumakas siya mula rito. Sa pagtakas niya'y isang lobo ang tumulong sa kanya at sinamahan siya sa buong magdamag sa gitna ng lamig at ulan. Ito rin ang nagkanlong sa kanya mula sa pinsalang maaaring idulot ng hypothermia. How would she know that her life had changed the moment her father was killed? Na ang mga bagay na inakala niyang kathang-isip lamang at napapanood lamang sa sine ay umiiral pala? Na siya ay umiibig sa isang lalaking may lihim na itinatago ang pagkatao? Kaya ba niyang tanggapin ang pagkatao nitong half-man, half-beast?
The Farmer And The Heiress by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,216,892
  • WpVote
    Votes 31,227
  • WpPart
    Parts 30
Elleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos Region na minsan lang niyang nakita noong mag-aanim na taong gulang siya. Pero biglang mababago ang lahat dahil sa iniwang sulat ng kanyang yumaong ina. Hiniling nito na sa pagtuntong ni Elleana ng veinticinco, pupunta siya sa Ilocos upang pangasiwaan ang hacienda. Doon ay nakilala niya si Felipe, ang lalaking "antipatiko" ang middle name at mas marami pa yatang irritating cells na dumadaloy sa katawan kaysa sa red blood cells! Ngunit taglay nito ang pinakamagandang mga mata na nakita niya at malilinis na kuko sa mga paa sa kabila ng pagiging isang magsasaka. At ayon pa sa lalaki, ito ang pinakaguwapo at pinakamakisig sa mga lalaking nakilala na niya. Kaya bang makipagsabayan ng kanyang British accent sa lalaking ang vocabulary ay naglalaro lang sa tinuran, sakbibi, nababatid, and the likes?
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 545,934
  • WpVote
    Votes 15,025
  • WpPart
    Parts 58
Isang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. Ang iniibig ko. I have never loved a woman as much as I loved her. At ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya. Morally or otherwise..." sagot naman ni Matt. Caroline loves one man and will marry another. Hindi niya iniibig sa tunay na kahulugan ng salita si Matt. Subalit minamahal, hinahangaan, at iginagalang niya ito. Naroon ito sa panahong sinaktan siya ni Shane. Iisa lang ang kanyang puso at naibigay na niya iyon kay Shane. Subalit umaasa siyang mababawi pa niya ang puso mula kay Shane at maibigay kay Matt sa takdang-panahon.
GEMS 40: Arrivederci, Roma (2008) by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 84,791
  • WpVote
    Votes 1,755
  • WpPart
    Parts 21
Tinanggap ni Carlene ang round-trip ticket to Europe mula sa granduncle niya upang maibsan ang lungkot na sanhi ng sabay na pagkawala ng kanyang mga magulang. Sa Pendolino train patungo sa Rome ay nakilala niya si Daniel Herrera, a gorgeous young lawyer. Carlene took a gamble. Tinanggap niya ang alok ni Daniel na samahan siya sa tour niya sa buong siyudad. A touch, a smile, a gentle kiss, and historical Rome as backdrop, Carlene caught the deadly virus--she fell in love. And hard she did fall. Dahil ang lalaking iniibig niya ay pag-aari na ng iba. ©Martha Cecilia
GEMS: Sunset and You (Teaser) by Imperfect_Philozoic
Imperfect_Philozoic
  • WpView
    Reads 75,248
  • WpVote
    Votes 1,017
  • WpPart
    Parts 17
"Mula sa kung saan ay dumating ka sa buhay ko, Jessica, na tulad sa isang rumaragasang tubig. Now out of the blue, or just out of whim, you want out of my life. Why? What have I or haven't I done?" For a fleeting moment she thought she saw pain cross his eyes. But of course, that was just her imagination. Dahil nang muli niya itong tingnan ay wala kahit na anong ekspresyon ang mukha nito. Then Jessica said good-bye, hoping against hope that she would survive without him in her life.
Impostor - COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,548,808
  • WpVote
    Votes 34,880
  • WpPart
    Parts 25
Bago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty-nine and married to a famous handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pinakamagandang mukhang nasilayan niya. At ang lalaking ninais niyang hangaan ang kagandahan ng mukha niya'y kinasusuklaman siya. Hindi siya maaaring manatiling asawa ni Jason dahil nakatakda siyang idiborsiyo nito. At lalong hindi siya maaaring bumalik bilang si Divina Ventura dahil taglay niya ang mukha ni Mariz Florencio. Kasamang namatay ng tunay na Mariz ang mukha ni Divina. Kaninong identity ang tataglayin niya?
GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011) by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 96,773
  • WpVote
    Votes 2,338
  • WpPart
    Parts 23
Brianna was a victim of a failed kidnapping and attack. Iniligtas siya ng isang estrangherong may maiitim na mata na kung tumingin ay halos manuot sa kabuto-butuhan niya. Hindi na niya muling nakita pa ito. Brianna's fiancé left her when she needed him most. Ang trauma sa muntik na niyang pagkapa-hamak at ang sakit ng sugatang puso ay pareho niyang ininda. Isang assignment sa Sagada ang hindi niya matanggihan. That was to interview the recluse Shaun Morgan Llantero-a famous Fil-Am pianist. Mula nang mawala ang asawa nito sa isang trahedya ay hindi na ito muli pang nagpakita. When they met, attraction sparked, enough to light the whole of Sagada. Subalit walang balak magpa-interview si Shaun. "You are willing to offer your body for an interview?" His animosity was apparent. She hated him for his àccusation. But she would not be deterred. She was as tenacious as a bull. Subalit may isang taong ganoon din kasidhi ang pagnanais na mawala siya sa landas nito. Kaya ba siyang ipagtanggol ni Shaun upang bigyan ng ikalawang pagkakataon ang pag-ibig? ©Martha Cecilia