Carmelalitaalfonso
"Makasarili ba ako kung hihilingin kong huwag ka na sanang magising pa?"
Akala ni Felicity na nasa kaniya na ang lahat ng buhay na inaasam ng ibang tao. Karangyaan, Masayang buhay at syempre ang tapat na pag-ibig sa kaniya ni Miguel. Pero nabago ang lahat ng iyon ng makita ng sariling mga mata niya ang ang harap-harapang panloloko sa kaniya ng kaniyang kasintahan kasama ang babae nito.
Nang araw din ng malaman niyang niloko siya ni Miguel ay araw din ng maaksidente si Felecity gamit ang kotseng minamaneho nito.
Ano ang gagawin mo kung sa pagmulat ng iyong mata ay napunta ka sa taong 1898 kung saan panahon ng pananakop ng Amerikano sa Pilipinas at sa panahon ding ito ay matatagpuan niya ang isang matapang na Heneral na siyang magpaparamdam sa kaniya ng tunay na pagmamahal na hindi niya naramdaman sa kasintahan niyang si Miguel.
Handa ka bang tumawid sa nakaraan upang makamtam ang pag-ibig na inaasam?