WOW
2 stories
DEFYING THE GATE OF RULES: DOWNFALL OF ROYAL CLANS [VOLUME 1] #Wattys2023 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 235,140
  • WpVote
    Votes 3,778
  • WpPart
    Parts 28
Si Van Grego, isang napakatalentadong Cultivator sa kanyang murang edad. Nakikilala siya dahil sa angkin nitong talento ngunit nang nagkaroon siya ng anomalya sa kanyang dantian ay itinuring siyang basura at napakawalang silbi ng kaniyang sariling angkan. Ang noo'y namamanghang mga mata ng mga nakakapaligid sa kanya na mga tao ay ngayo'y may mapangmaliit at mapanghamak na mga tingin. Sa edad na siyam hanggang dalawamput-isa ay naging mature na ang kanyang isip. Maraming mga taong nangungutya sa kanya sa bawat paggalaw at kapag nakikita siya ng mga kaedaran niya o ng mga bata't matatanda, unti-unti na siyang inagawan ng kanyang kabataan. Minsa'y napanghihinaan na siya ng loob dahil dito. Wala siyang naging kasalanan kung bakit nangyari ang mga anomalya sa kanyang dantian na kahit siya'y hindi na nagkaroon pa na ipagpapatuloy pa ang kanyang Cultivation. Makikita natin ang ating bidang handang ibuwis ang lahat maging ang kanyang sarili na magpapalungkot, magpapasaya, magpapamangha at magpapaiyak sa atin sa mga pang- OUT OF THIS WORLD na kaganapang magpapaintindi sayong walang hangganan ang buong mundong ito. Dito niyo masasaksihan na walang imposible sa taong nagpupursigi upang tamuhin ang kalayaan at ipaintindi sa lahat na may kabutihan pa rin ang mundong ito, ang mundong sisira o magpapalakas sayo. May pag-asa pa kayang mabago ang kapalaran niya o mananatili lamang na patapon ang buhay niya o mabibilanggo ba ang kanyang sarili habang buhay sa kadiliman? Makakamit ba ni Van Grego ang pinakarurok ng Martial Arts o Mamamatay siya sa kalagitnaan pa lamang ng kanyang paglalakbay? Halina't samahan natin si Van Grego sa pagtuklas ng kanyang totoong pagkatao at paglaban nito sa napakadelikadong situwasyon upang ipaglaban ang alam niya'y tama.
Defying The Gate Of Rules: Raging Storm [Volume 6]    by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 630
  • WpVote
    Votes 25
  • WpPart
    Parts 3
Halina't tunghayan ang buhay ng binatang si Van Grego sa loob ng Hyno Continent. Mapo-protektahan niya kaya ang sarili niya maging ang Hyno Continent mula sa kamay ng alinmang mga mananakop? O magiging palpak ang naiisip nitong mga plano? Sa paglalakbay muli ng ating bida sa ibang mga kontinente, ano kaya ang magiging takbo ng kaniyang buhay kung ang mga bagay at pangyayari ay hindi naaayon sa mga naiisip niya. Magagawa niya bang protektahan ang dapat protektahan o dito na matatapos ang kaniyang buhay mula sa kaniyang malalakas na kalaban? Paano kung makakaharap muli ng binatang si Van Grego ang mga miyembro ng mga Royal Families na umalipin sa Hyno Continent? Magagawa niya na bang matalo ang mga ito kung ang lakas nito ay nanggagaling sa isang kontinenteng kinatatakutan ng lahat?! Paano kaya kung may matuklasan siyang bagay na ikagigimbal niya? Could he really ready to forgive or he will lose his temper and put justice in his own hand?