MissVeraxBeauty's Reading List
10 stories
Last Night by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 146
  • WpVote
    Votes 12
  • WpPart
    Parts 1
Short film script...based on a true story.
Salamisim by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 2,191
  • WpVote
    Votes 73
  • WpPart
    Parts 2
Kung marami na nga ang namamatay sa maling akala iisipin ko na talagang torture ito. Pero bakit ko nga ba mas pinili ang ganitong sitwasyon? Minsan iniisip ko napakatanga ko lang talaga na kahit na ano pang gawin mong pagsusungit at pagtataray sa akin ay nagagawa pa rin kitang suyuin. May punto na parang palagay ang loob natin sa isa't-isa. May punto naman na para bang kinasusuklaman mo na ako. Pero kahit na ganoon ay heto, nandito pa rin ako at patuloy na naghihintay. "Hmm, sorry," napakatipid na sambit mo. Hindi ko nga alam kung saan na bang lupalop nakakarating ang isang salitang gaya niyan. Napakadaling paniwalaan para sa akin dahil ikaw naman ang nagsabi, pero dumating yung punto na napagod na lang ako. "Pasensiya na rin. Nakalimutan ko kasi...hindi nga pala tayo. Kaya siguro dapat ilugar ko na lang ang sarili ko sa tamang lugar at tao." Ngumiti ako at nilagpasan ka. Ngumiti ka rin, pero kitang-kita sa mga labi mo ang mapait na katotohanan. "Mahal mo pa rin ba ako?" tanong mo. Isang tanong na nakapagpatgil sa akin. Ang tanging nagawa ko na lamang ay lumingon, ngumiting muli...at umiling.
H.U.M.A.N Ang Utak mo! by MissVeraxBeauty
MissVeraxBeauty
  • WpView
    Reads 2,112
  • WpVote
    Votes 9
  • WpPart
    Parts 10
About sa mga buhay-buhay natin. Kahit anu na naguguluhan kayo? Just ask me? at hahanapan natin ng sagot yan. Buhay, SchoolLife, Love, Politics, at kung anu-ano pa. tiyak na may maisasagot ako sa inyo Readers! I am pretty sure na makaka-Relate ang lahat dito.
ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creatives by walangmagawa1210
walangmagawa1210
  • WpView
    Reads 8,754,668
  • WpVote
    Votes 109,006
  • WpPart
    Parts 41
Charlene Fuentes grew up being an outcast of her family. The only time that her mom and her grandfather noticed her is when they want to scold her. She grew up being over shadowed by her older sister who is, she thought, the treasured member of the family. Hindi naman sya nagseselos dito, in fact, she is happy for her sister’s success. Because it is better for them to be focused on her so that she will be free to do anything she wants. Until the time that she attended her sister’s engagement party who is set to be married to a family friend that she had treated like a kuya all her life. What she didn't expect is when she got to the party, she ended up being the one engaged to her sister’s fiancé! And did I tell you that her sister’s fiancé is the most sought after bachelor in the country ? Mayaman, matalino at SOBRANG GWAPO!
The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction) by erinedipity
erinedipity
  • WpView
    Reads 42,980,094
  • WpVote
    Votes 844,080
  • WpPart
    Parts 84
"Break na 'yan sa Sabado!"
Philippines: Year 2303 - A Game of War by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 159,270
  • WpVote
    Votes 4,153
  • WpPart
    Parts 28
Ikinagulat ng buong mundo ang muling pagbabalik ni Johan. Ang inakala nilang bayaning nag-alay ng buhay para sa pagkakaisa at kapayapaan ay muling gumising mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ito ay sa kadahilanang isang gyera na naman ng buong mundo ang muling nagbabadya. Hindi nagustuhan ng karamihan ang kanyang pagbabalik. Ang iba naman ay humanga na lamang sa kanyang talino sa pagdedesisyon at pagpaplano. Ngunit paano nya mapoprotektahan ang bansa laban sa mapanirang imperyo ng Europa kung kakaunti na lamang ang pwersa ng Pilipinas laban sa kanila? May magagawa pa kaya ang isang tulad niya kung muling ibinabalik ng European Union ang MEMO© at ang memory gene upang hatiin muli ang sangkatauhan; mabuhay lamang ang mga mayayaman at patuloy lamang na maghirap ang mga bid? Magagawa niya kayang wasakin nang tuluyan ang sistemang ito ngayong muli siyang nagbalik? Mababago nya kaya ang lahat kahit na napahina ng nakaraang gulo ang pananaw ng mga Pilipino pagdating sa kanilang kakayahan upang lumaban?
Philippines: Year 2302 - Helena's Downfall by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 214,163
  • WpVote
    Votes 4,946
  • WpPart
    Parts 25
Dalawang taon na ang nakararaan matapos ang insidenteng naganap sa Pilipinas, natunghayan ng buong mundo ang pagbagsak ng isang diktador na nagngangalang Johan Klein. Sinubukan niyang manipulahin ang lahat ng gumagamit ng memory gene upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng buong mundo gamit ang MCM o Memory Control Maneuver. Ito ang programang ginawa ng MEMO upang kontrolin ang lahat ng tao sa mundo na gumagamit ng memory gene upang pabagsakin ang isang bansa, tanggalin ang mga balakid sa daraanan ng MEMO at gawing matiwasay ang pamumuhay ng bawat gumagamit nito sa paraan ng pagcontrol. Hindi ito nagustuhan ng mga tao, bagkus ay ipinakita lamang ni Johan ang kung anong kayang gawin ng MEMO upang sirain ang sangkatauhan. Inalay niya ang sariling buhay para lang baguhin ang sistema ng buong mundo. Pinalabas niyang si Helena ang kumitil sa kanya upang siya ang kilalanin bilang tunay na bayani. Lubos namang nalungkot si Helena sa ginawa ng binata ngunit naniwala naman ang mga tao na dahil sa kanya ay nagkaroon ng pagbabago. Tuluyang bumagsak ang kompanyang MEMO. Naging panatag ang buhay ng bawat tao at tuluyan na ring nasira ang caste system sa buong mundo na humati sa lipunan sa mahabang panahon. Naging tahimik ang bawat isa ngunit isang balita ang gumimbal sa buong mundo. Natuklasan ng gobyerno na nawawala ang MCM program, pinaniniwalaang ipinasa ito ni Johan Klein sa isang di kilalang tao na tinatawag na Subject 1. Dahil dito ay naglunsad ang pamahalaan ng bawat bansa ng ilang fact finding committee upang hanapin ang MCM program at alamin ang tunay na pagkatao ng Subject 1. Marami na ring iba't-ibang organisasyon ang nakikipag-agawan sa naturang programa upang baguhin ito at i-hack upang hindi lamang DNA ni Johan ang makapag-activate sa naturang program. Ang mga di kilalang organisasyon na lumalantad sa lipunan ay patuloy din na naghahanap sa naturang programa na maaari nilang gamitin sa pansariling kapakanan at maaaring ikasira ng buong sangkatauhan.
Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad) by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 715,022
  • WpVote
    Votes 12,656
  • WpPart
    Parts 27
Philippines: year 2300 Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una, ang mga bid (ang pinaka mababang uri ng pamumuhay o ang pinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class napamumuhay). At ang huli ang pinakamataas na antas ng pamumuhay, ang mga bidders. Kung bakit bidders? Sila ang may kakayahan para bumili ng mga bid o kahit na commoner para mailipat ang kanilang memory gene sa ibang katawan at masabing imortal sila. Ang memory gene na ito ay inimbento ng kompanyang MEMO© na hawak ng kasalukuyang diplomatic government. Isang eksperimontong pumasa sa Europe at patuloy na ginagamit ng mga bidders upang mabuhay sa kahit gaano pa kahabang siglo.
Abot Langit by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 9,549
  • WpVote
    Votes 370
  • WpPart
    Parts 13
Ang sequel ng Patunayan. Kapag mapait ang buhay kailangan ng chaser. Matuto tayong lumangoy kapag nalulunod na tayo sa alak at pag-ibig mga bro! :-) -EMPriel
Patunayan by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 10,250
  • WpVote
    Votes 538
  • WpPart
    Parts 10
Noon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung magbabago man ang oras nito ay ibig sabihin, iba na naman ang mangyayari. Nagkamali ako. Bumabalik din kasi ang mga kamay nito sa dati; paikot-ikot lang, paulit-ulit. Walang saysay. Pwera na lang noong makilala ko siya. Based on a slightly true story.