psychothird
Magkaklase sila. Pareho silang matalino. Laging sila ang Top 1 at Top 2. Pareho silang honor students na magkalaban para sa pagiging class valedictorian. Tahimik ang kompetisyon sa pagitan nilang dalawa. Walang asaran, pero ramdam ang pressure tuwing may bagong ranking.
Habang tumatagal ang school year, unti-unting nahahaluan ng kakaibang damdamin ang rivalry nila. Parang hindi na lang grades ang pinaglalabanan nila ngayon. Parang puso na rin sa isa't isa.
Hindi nila napapansin na sa bawat magkasabay na pag-aaral, palitan ng reviewer, at pasikretong pagtitig sa isa't isa ay may kakaibang damdaming unti-unting nabubuo sa pagitan nila. Tahimik ang labanan nila para sa ranking, pero unti-unting nag-iingay ang kanilang mga puso sa paraang hindi nila masabi.
Walang gustong umamin. Ayaw nilang ma-distract.
Pero paano kung sa gitna ng tahimik na rivalry, unti-unti silang bumagsak?
Hindi sa exams, pero sa isa't isa.
Sa huling ranking ng taon,
Sino nga ba ang tunay na panalo?
Siya na laging Top 1? Ako na laging humahabol?
O ang damdaming matagal nang itinatanggi ng parehong puso?