LadyElle143
PROLOGUE
HER POV
"Ella bumangon ka na at tanghali na, ikaw talagang bata ka."
Talak ng Mama ko.
"Oo na, babangon na Ma."
Sigaw ko kay Mama.
Sarap ng tulog ko, ganda pa ng panaginip ko. Bumangon na ako at pinuntahan si Mama sa kusina. Kasama niya si Lola naghahain ng Tanghalian. Ang Mahal kong Lola.
"Oh apo, Mabuti at bumangon ka na, Maupo ka na at kakain na tayo."
Naka ngiting sabi ni Lola. Close kami.
"Opo La, Ikaw po ba nagluto nito?"
Tanong ko kay Lola.
"Oo apo, Alam ko kasing paborito mo yan." Sabi ni Lola sabay sandok sa akin ng kanin at ulam.
Kaya love ko Lola ko, kasi alaga ako.
"Nay, lagi mo na lang pinagsisilbihan yang babaeng yan, kaya namimihasa."
Naiinis na sabi ni Mama, napayuko na lang ako.
Isa ito sa dahilan kong bakit malayo loob ko kay Mama. Kaya mas close kami ng Lola ko, Nanay ng Papa ko.
"Anak, hayaan mo na ako, Gusto kong alagaan ang apo ko." Lola sabay upo.
"La, ako na po maglalagay ng pagkain sa plato mo, para wala ng masabi si Mama." Sabi ko na lang at kinuhaan ko na si Lola ng pagkain.
Ako nga pala si Isabella Gutierrez, 20 years old, Mahirap pero Maganda. May kapatid akong lalaki, Si Lorenz Gutierrez at nag-aaral siya ng High School. Ako naman Hagh School Graduate dahil nag-stop ako para tulungan si Mama at Lola sa gastusin sa Bahay at para sa pag-aaral ng kapatid ko. Dahil patay na ang tatay ko, namatay siya sa aksidente.
----
A/N: Hi readers, please read my story.
Thank you hope your enjoy...🙂