SenyorCorazon
Labing-anim na taon mula noong lupigin ng mga mandirigma ng Maynila ang malayang tribu ng Tondo na sinasabing pugad ang mga mambabarang at mga babayalang gumagamit ng ipinagbabawal na salamangka, namuhay ang bawat mamamayan ni Raja Silay sa katahimikan. Ngunit ang ala-alang binura ng lahat sa kasaysayan ay manunumablik sa katauhan ng babaeng itim--- ang huling saksi, bakas, at tagapagmana ng hiwaga ng Tondo.
Sa pagkakasaksi sa mga naganap sa nakaraan, buo ang kaniyang damdaming ipakita ang kaniyang poot sa buong Maynila. Ngunit ang kaniyang mga balakin ang hindi inaasahang maghahatid sa kaniya sa hangganan ng kaniyang galit at magbubukas sa kaniyang pusong binalot ng pait at pagnanasang maghiganti matapos niyang makilala si Alon, ang nakababatang kapatid at pinuno ng hukbong pandigma ng Raja at ang punong manunugis ng mga mangkukulam sa Maynila.
A/N:
Isang milyong pasasalamat sa talentadong nilalang na may ginintuang puso't dalisay na pagkataong gumawa sa napakagandang pabalat, @Herashishieee ! ^_^