Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot?
"Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapansin Kaya?"
Paano kung hindi? Paano kung oo? Magkaiba ba ang gagawin mong desisyon o pareho lang? Mag-iiba ba ang pananaw mo o magpapatuloy ka lang sa kung anong alam mong constant?
Umaatikabong fame laban sa umaatikabong pag-ibig.
[EDITING TO 3RD PERSON POV] Limang taon akong naniwala na patay na siya. Pero limang taon din akong umasa na babalik pa siya. Ngayong natagpuan ko siya sa katauhan ng iba, gagawin ko ang lahat mapasa'kin lang siya. Pero paano kung sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana?