Nxtyhidhz
- Reads 5,031
- Votes 143
- Parts 1
Si Serenity ay isang Campus Queen na maraming hinahangaan sa university. Maganda, charming, at palaging napapansin ng lahat. Maraming lalaki ang nahuhumaling sa kanya, habang maraming babae naman ang naiinggit sa kanya.
Pero sa likod ng kanyang perfect image ay isang malaking sikreto, ang tunay niyang gender.
Serenity is a guy who loves dressing and presenting himself as a girl.
Dahil dito, hindi siya nakaligtas sa mga tsismis at rumors. Ngunit isang araw, kumalat ang isang litrato na naging dahilan para isipin ng buong campus na isa siyang "trap"-isang lalaking nagpapanggap bilang babae.
Desperate na patunayan na mali ang lahat, pinayuhan siya ng kanyang best friend na si Mikaella na makipagdate sa isang lalaki.
At pumayag siya.
Ang plano? Pumili ng isang lalaki na sa tingin niya ay hindi kailanman magkakagusto sa kanya.
At ang napili niya?
Leslie Aubrille Nadia
Isang mysterious at handsome guy mula sa department nila. Tahimik, intimidating, at tila walang interes sa kahit sino lalo na sa kanya.
Perfect.
Or so Serenity thought. Dahil ang hindi niya alam, si Leslie ay may tinatago ring sikreto.
Leslie is not a guy. She's a girl pretending to be a boy.
Dalawang taong parehong may tinatagong identity. Dalawang kasinungalingan. Isang fake relationship.
At habang mas tumatagal ang pagsasama nila, mas nagiging komplikado ang lahat lalo na nang magsimulang magkaroon ng tunay na feelings ang isa sa dalawa.
What happens when the person you're trying to fool is hiding the exact same secret as you?
At paano kung ang fake relationship na sinimulan nila para patunayan ang isang kasinungalingan ay mauwi sa isang totoong pag-ibig?