J_Euphoric
- Reads 604
- Votes 111
- Parts 26
[COMPLETED]
Para kay Visha, ang trabaho sa Capital ay paraan lamang para matupad ang kaniyang pangarap para sa pamilya. Pero ang lahat ng kaniyang plano ay gumuho matapos ang isang mapusok na gabi sa bisig ng isang estranghero.
Akala niya, hanggang doon na lang iyon. Ngunit laking gulat niya nang muling makaharap ang lalaking nagparamdam sa kaniya ng kakaibang kuryente- ang kaniyang bagong Boss, ang strikto at kasing-lamig ng yelo na si Caegan Artex.
Sa halip na matakot, mas pinili ni Visha na labanan ang tensyon sa pamamagitan ng kaniyang pagiging pilya. Sa bawat asar at bawat matapang na hirit, unti-unti niyang binubuwag ang pader na nakapalibot sa puso ng kaniyang masungit na boss.
Ngunit ang lahat ay may hangganan. Sa muli nilang pagtapak sa Isla De Papa, muling nag-alab ang apoy sa pagitan nila- isang gabing nag-iwan ng markang habambuhay niyang dadalhin.
Visha is pregnant.
Sa pagdating ng katotohanan, sumabay ang isang malupit na rebelasyon: ang kaniyang boss ay nakatakdang ikasal sa iba. Sa gitna ng kapangyarihan ng mga Artex, kailangang pumili ni Visha:
Itatakbo ba niya ang kaniyang anak palayo sa panganib, o mananatili sa tabi ng lalaking ang tanging kayamanan ay ang mundong nais siyang saktan?
Sa mundo ng mga 'Poste' na nagbibigay ng liwanag, mahahanap ba ni Visha ang tunay na kuryenteng magliligtas sa kaniyang puso?