savia23's Reading List
7 stories
PHR: Girlfriend For Hire (Teaser) by YroEno
YroEno
  • WpView
    Reads 2,289
  • WpVote
    Votes 21
  • WpPart
    Parts 9
"I like kissing you. I only kissed you once, gusto kong masundan iyon. At huwag kang aangal, lubog ka sa utang sa akin." Published Date: 2005
Leon Ng Fuente Montano - Nina De Vega by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 8,661
  • WpVote
    Votes 246
  • WpPart
    Parts 12
Desperada na si Vana kaya nagtiyaga siyang hanapin ang barumbadong abogadong si Napoleon de Vargas III. Wala sa hinagap niyang ang barumbadong kinatatakutan ng mga maton ay heredero ng pinakamakapangyarihang pamilya sa Montano. Tagapagmana rin ito ng isang sumpa. Isang sumpang naging dahilan kung bakit walang babaeng tumuntong sa Fuerte Montano mula pa noong 1800. Pagkatapos ng dalawang dang taon, isang babae ang nangangahas pumunta roon: Siya! Pag-ibig ba ang nakatakda para sa kanya? O kabayaran siya para sa "utang" ng Fuerte Montano?
Secret Fire (Chains of Passion Book I) by Bb_Anastacia
Bb_Anastacia
  • WpView
    Reads 1,303,373
  • WpVote
    Votes 25,536
  • WpPart
    Parts 21
SPG-18 Si Terrence Lam ang perpektong Prince Charming na pinapangarap ni Ingrid. At sapul sa kamusmusan ay lihim na niya itong inibig. Subalit isang sikreto ang natuklasan niya na sumira sa kanyang ilusyon. Hindi pala lahat ng nakikita sa panlabas na kaanyuan ay totoo. And there was Jeremiah del Prado, he was the perfect example of a villain. Cold and ruthless, mysteriously handsome; but a very dangerous man. Kung paano niyang isinuko ang sarili rito isang gabing umuulan ay hindi niya alam. "Some people say you're cold and ruthless. But I don't give a damn about your reputation. In fact, I'm a bit curious kung paanong makipagniig ang isang kaparis mong tila parating nababalot ng yelo. Maging kasing-alab ka kaya ng araw...o kasinlamig ng niyebe."
Sometimes You Just Know - Volume 3 by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 26,838
  • WpVote
    Votes 1,266
  • WpPart
    Parts 23
Walang salitang pumasok si Riza sa kuwarto. Halos balyahin pa nga niya ang pagkakabara ni Roi sa pinto. Isa lang ang concern niya: ang daluhan ang batang alaga niya. Matapos palitan ng diaper ay sinubuan na rin niya ng dede ang sanggol. Ipinaghele pa niya ito bago tuluyang napayapang muli. Roi was indeed stunned. Hindi nito malaman kung ano ang iisipin sa yaya ng anak. She was not wearing an ultra-sexy negligee. Napalunok si Roi. He had been celibate for more than six months. Seeing the nanny of his son, nang-aakit man ito o hindi ay isa lang ang epekto sa kanyang katawan. The mere sight of her made him hard. Damn! galit na mura niya sa sarili. Pakiramdam niya ay pagtataksil sa alaala ng namatay na asawa ang nangyayari sa kanya ngayon. Or maybe, he could blame it on the wine.
Wedding Girls Series 24 - Jamaica by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 12,280
  • WpVote
    Votes 265
  • WpPart
    Parts 16
"Shit! Ano ba?" angil niya nang mabunggo niya ang paparating na lalaki. Pakiramdam niya ay isang pader ang nabangga niya. Mabangong pader dahil mabilis na nanuot sa pang-amoy niya ang samyo ng Hugo Boss. "Huwag kang mataray, miss. Ikaw na nga itong nakabunggo sa akin," sagot ng lalaki, tila galit din. "So, ako pala ang may kasalanan?" "Obviously," matabang na tugon nito. "Then sorry!" tila mas tumaray pa ang tono niya. Hinagod niya ito ng tingin saka matalim na umirap bago nagpasyang ituloy ang paglakad. "Sandali, miss," habol na tawag nito. Huminto siya at nilingon ito. Naghintay siya ng sasabihin nito pero ang nakita niyang ginawa nito ay ang paghagod din nito ng tingin sa kanya. "Aba't..." "Ganti-ganti lang, miss." Ngumiti ito ng nakakaloko. "Hindi kasi ako sanay na sinusukat ako ng tingin. Gusto ko lang ding malaman kung ano ang meron sa iyo para tingnan mo ako mula ulo hanggang paa." "Arogante!" gigil na wika niya. "Suplada."
Andrei, The Sweet Punisher (Completed) by GezillePhr
GezillePhr
  • WpView
    Reads 101,428
  • WpVote
    Votes 2,161
  • WpPart
    Parts 10
Andrei, The Sweet Punisher By: Gezille Teaser: "Parang gusto na kitang sakalin sa pagiging manhid mo." Hindi naging maganda ang unang pagtatagpo nina Gizelle at Andrei. Para kay Gizelle, si Andrei na ang pinakamasungit na nilalang na ginawa ng Diyos. Kaya nang muling magtagpo ang mga landas nila at malaman niyang ito pa pala ang boss niya sa kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan, hindi niya naiwasang himatayin. Iyon na yata ang pinakapangit na joke ng tadhana sa kanya. Lalo na nang magsimulang umusbong ang paghanga sa puso niya para sa walang-kasinsungit na lalaki nang magsimula siyang magtrabaho rito. Ngayon, hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang huwad na pagsintang-purorot sa lalaking habit na yata ang magalit sa mundo.
Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 436,530
  • WpVote
    Votes 11,998
  • WpPart
    Parts 21
Anim na taon na ang nakalipas, si Ivan at ang dalawang kasama niya-all of them international agents of high caliber-ay iniligtas si Nayumi Navarro mula sa tangkang pag-kidnap dito. Hindi nakilala ni Nayumi ang tatlong taong nagligtas sa kanya. Pero nanatili sa isip at puso niya ang pinuno ng mga ito, kahit na hindi man lang niya nasilayan ang mukha nito. She was not fatalistic. Pero isang araw ay nagtagpo sila. Muli siyang iniligtas ni Ivan sa muntik nang pagkapahamak. Now her fantasy... her knight in shining armour had a face-a handsome, hardened man, with no interest in loving a woman. And if there was one thing he wanted from her-it was sex with a capital S. "Don't fall in love with me, Nayumi. Trust me, I always say good-bye.