hiyo_osora's Reading List
42 cerita
The Day I Fell In Love With You oleh ZindyRivera
ZindyRivera
  • WpView
    Membaca 49,206
  • WpVote
    Vote 1,110
  • WpPart
    Bab 10
The Day I Fell In Love With You By Zindy Rivera "Ang pag-ibig daw ay parang mga bituin sa langit. Napakaraming puwedeng pagpilian, puwedeng mahalin, pero iisa lang ang nakalaan para sa 'yo." Nagkaroon ng temporary amnesia si Ela dahil sa isang aksidente. Ang huling natatandaan niya ay nang maka-graduate siya sa college. Ang lahat ng pangyayari sa buhay niya pagkatapos niyon ay nabura na sa kanyang alaala. Ang nakaka-shock lang ay ang malamang ikinasal pala sila ni Karlos, ang kapitbahay niya. At mag-iisang taon na silang mag-asawa! Paano nangyari iyon, eh, ni halos hindi nga siya pinapansin ni Karlos noon? Dapat ay maging masaya si Ela dahil asawa na niya ang lalaking lihim na minamahal noon pa. Pero bakit may pag-aalala sa kanyang puso? Hanggang sa nalaman niya ang dahilan ng aksidenteng sinapit... -
Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed) oleh CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Membaca 122,149
  • WpVote
    Vote 3,955
  • WpPart
    Bab 37
Para kay Mara, suntok sa buwan ang pangarap niyang maging patissier balang-araw, lalo na at dakilang tagatimpla ng kape lang ang papel niya sa boss niya sa TGF, ang kompanyang pinaglilingkuran niya bilang apprentice. Until she met Icko Laurel one fateful night. Nalaman niyang ito ang bunsong anak ng may-ari ng TGF. He was the black sheep of the family. But for her, Icko was her falling star. Ito ang bumuhay sa pangarap niya na inakala niyang hindi na mabibigyang-katuparan pa. He saw right through her and believed in her when no one else did. He said she deserved all the beautiful things life had to offer. Suddenly, he became another dream her heart wished to fulfill. Ngunit sa pagkakataong iyon, mukhang dibdibang paghiling sa isanlibong bituin ang kailangan niyang gawin para matupad iyon dahil kay Rachel, ang babaeng nagmamay-ari sa puso nito...
Of Love and Serendipity oleh CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Membaca 72,186
  • WpVote
    Vote 2,134
  • WpPart
    Bab 26
Matindi ang paniniwala ni Serendipity sa destiny. Kaya nang humingi siya ng sign sa langit at ipinadala sa kanya si Tristan ay ginawa niya ang lahat para matutuhan siyang mahalin nito. She believed he was fated to be hers. Pero nang magtapat siya rito ng damdamin ay tinapat siya nito na kalimutan na lang niya iyon. May iba raw itong mahal. The night she was rejected by him was the last time she ever saw him. Nang akala niya ay nakalimutan na niya ito ay saka naman muling nagkrus ang mga landas nila. She realized he was the same Tristan she loved but it seemed he was bound to break her heart again. Dahil nakatakda na itong ikasal sa ibang babae. Maniniwala pa ba siya sa love at destiny?
Each Day With You - Published under PHR oleh rieannpeach
rieannpeach
  • WpView
    Membaca 45,475
  • WpVote
    Vote 824
  • WpPart
    Bab 12
Mayabang man ang unang naging impresyon ni Simone sa sikat na basketball player na si Chad Esquivel, nagbago iyon nang maging landlord niya ang binata at makilala ito nang lubusan. Bukod sa guwapo ay napakabait pala nito, dahilan para magkalapit sila. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mag-iba ang pagtingin ni Chad kay Simone.Pursigido ang binata na ligawan siya. Pero once bitten twice shy ang drama ni Simone. Hindi niya alam kung magagawa niyang bigyang-katugunan ang pag-ibig ni Chad gayong ayaw na niyang umibig uli sa isang atletang tulad nito na marami siyang kaagaw. But how could she say no to an almost perfect man?
Ang Pilyo Kong Gitarista (Published under PHR) COMPLETE oleh LianZobel
LianZobel
  • WpView
    Membaca 48,082
  • WpVote
    Vote 902
  • WpPart
    Bab 23
"Naniniwala na nga ako na gusto mo na ako. Nagseselos ka, eh!" Clarie promised herself and her family na magiging priority muna ang kanyang pag-aaral. Pero nakilala niya si Raymond, ang ultimate crush ng kanilang lugar. Kinilig pa siya nang ang lalaki raw ang nakalaan ayon sa isang hula, dahil sa "signs" na nakita niya mismo sa lalaki. Lalo na nang si Raymond pa ang kusang lumapit sa kanya at hiningan siya ng tulong. But here comes Jayden, ang antipatikong pamangkin ng kapitbahay at kaibigan ng kanyang tiyahin na laging nagpapainit ng ulo niya dahil sa mga pang-aasar nito. Lagi ring panira ng diskarte ang lalaki sa pagpapa-charming niya kay Raymond. Kaya naisipan niyang maghiganti kay Jayden. Isinali niya ang pangalan nito sa isang singing contest sa fiesta ng kanilang baranggay. Pero laking gulat ni Clarie na talented pala ang binata aa pagkanta at pagtugtog ng gitara. Kaya sa halip na mapahiya, iyon pa ang simula ng pagsikat ni Jayden at maging heartthrob din ng bayan ng Manalansan! At hindi matanggap ni Clarie na pati yata siya ay nahuhumaling sa lakas ng dating ng binata... Credits to: PHR
Suddenly, It's Love [Unedited version, Published under Phr] (Complete) oleh nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Membaca 171,463
  • WpVote
    Vote 2,660
  • WpPart
    Bab 10
Minsan sa buhay ni Celine ay nagmahal siya ng isang Ethan Agoncillo. Guwapo, matalino, mayaman at higit sa lahat, palaging nasa tabi niya kapag kailangan niya ng makakausap. Ito ang isa sa mga taong hindi nang-iwan sa kanya noong mga panahong mababa ang self confidence niya at mababa ang tingin niya sa sarili niya. Hindi naman ito mahirap mahalin. Inakala pa nga niya na may katugon ang nararamdaman niya sa binata pero nang magtapat siya dito bago ito umalis ng bansa, napatunayan niyang pakikipag-kaibigan lang pala ang kaya nitong ibigay sa kanya. Kaya naman ginawa niya ang lahat para makalimutan ito. Kahit ang makipag-usap sa mga kaibigan nito ay iniwasan niya mapadali lang ang magmo-move on niya. Paglipas ng limang taon ay hindi niya inaasahan na magkikita pa uli sila ng tanging lalaking minahal niya. Muli ay naging malapit siya dito lalo na nang magpanggap itong nobyo niya nang dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. Hahayaan na naman ba niyang umasa ang puso niya na may pag-asang mahalin din siya ng lalaking hindi naman pala nawala sa puso niya kundi nagtago lang sa kaibuturan niyon? O nanamnamin na lang niya ang masarap na pakiramdam sa piling nito hanggang sa matapos ang pagpapanggap nila?
Ang Pag-ibig ni Lolita [ COMPLETE ] oleh HoneyVilla
HoneyVilla
  • WpView
    Membaca 67,053
  • WpVote
    Vote 1,513
  • WpPart
    Bab 10
Date Published: March 2014 This is my first published work under PHR. :) -- "You transformed me into something I never thought I can be. I was such a fool to think that I'd be happy with her when the happiest moment of my life was when I met you." When it rains, it pours. At nang araw na iyon, inulan ng kamalasan si Maria Lolita Binubuenas--nakipagbreak sa kanya ang boyfriend niya, hindi siya natanggap para maging extra sa pelikula, nanakawan siya ng bag, at ang pinakamalala sa lahat, napagkamalan siyang baliw sa loob ng mall. Then came her lucky charm, si David QUizon. Inutangan niya ang binata sa una nilang pagkikita. At para mabayaran ang halagang hiniram ay nagprisinta si Lolita na maging kasambahay ni David kasabay ng pagtulong upang masungkit nito ang puso ng babaeng minamahal. But on the process, it was her heart that he had caught effortlessly. Nang unti-unti nang nakikita ni Lolita na malapit nang mapasagot ni David ang babaeng gusto nito ay saka siya namroblema. Ayaw na niyang makatuluyan ni David ang babae dahil inaasam na rin ng kanyang puso na makuha ang pagmamahal ng binata.
ANG PUSO NI KEVIN [COMPLETE] oleh HoneyVilla
HoneyVilla
  • WpView
    Membaca 114,406
  • WpVote
    Vote 1,868
  • WpPart
    Bab 12
THIS IS MY SECOND WORK PUBLISHED UNDER PHR January 2015 "You are the one who gave me life. I rose from the cold deep depths of loneliness and misery when you came in and brought the sunshine in my life. You are my end and my beginning. You are my life..." The first time Charlene met Kevin, she kicked him right on his balls. Kaya naman noong magkita uli sila-si Charlene bilang apprentice ni Kevin-ganoon nalang ang pagkabigla niya. Apparently, the guy seemed to have a grudge on her kaya naman pinahirapan siya nito ng todo-todo sa mga bagay na kailangan niyang gawin. And just then that she discovered the real reason why he was so damn cruel with her. Minsan na kasi itong nasaktan ng isang babaeng nagngangalan ring Charlene. That dark past of him was the reason why he turned into a heartless playboy. At kahit ayaw ni Charlene, hindi niya napigilan ang kanyang sariling mahulog ang loob sa lalaking alam niyang hindi siya maaring mahalin. But she didn't stop, instead, she pushed herself to set aside her fears and risk her heart in order to get his. Magtagumpay kaya siyang makuha ang mailap na puso ni Kevin?
Reaching For Her Skye (Completed/Unedited Version/ Published) oleh CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Membaca 294,619
  • WpVote
    Vote 5,253
  • WpPart
    Bab 29
"And I'm still hoping that I could reach the Sky someday." Iyon ang buong buhay na yatang pangarap ni Alayna. And for her, her sky was Skye-ang gwapo, mayaman, at matalino niyang kababata na nakasanayan na niyang habol-habulin buong buhay niya samantalang nakasanayan naman nitong itaboy siya sa tuwina. Pero hindi siya kailanman nagalit sa lalaki kahit buong buhay na rin nitong dine-dead-ma ang mga efforts niyang mapansin nito. Kuntento na siyang nakikita ito at nakakasama kahit siya lang naman lagi ang nag-i-initiate ng mga pagkikita nila. Kaya naman hindi niya napaghandaan nang bigla ay magbago ang ihip ng hangin at bigla ay parang ito naman ang nagpapapansin sa kanya. At dahil matagal na rin iyong inasam ng puso niya ay lalong lumalim ang nararamdaman niya para kay Skye. Ngunit hindi lang pala ang pagbabago sa setup nila ang hindi napaghandaan ni Alayna. Because while she was falling even more in love with him, she was opening up herself for the worst pain she had yet to experience.
One Night With Mr Gorgeous_Complete oleh IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Membaca 1,080,483
  • WpVote
    Vote 23,020
  • WpPart
    Bab 17
One Night With Mr. Gorgeous by La Tigresa "I'm not going to marry you, Theo." "And do you think I want to? Wala akong choice. Nanay ka ng anak ko." Natameme si Arielle. "Hindi ko hinihingi sa 'yo na maging asawa ka sa akin oras na makasal tayo, Arielle. If you're worried about making love to me, huwag kang mag-alala, hindi kita oobligahin. Hindi ko rin naman matandaan na ipinilit ko ang bagay na 'yan sa isang babae. I can always find myself a woman to take your place anyway." Nag-init ang mukha ni Arielle sa inis. At sa ibang babae pala planong sumiping ng walanghiya at hindi sa kanya! 'Eh, kaninong kasalanan? 'Di ba ikaw naman 'tong nag-iinarte? 'Tapos, kapag naghanap siya ng ibang babaeng ikakama, maiinis ka.' Ipinilig niya ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit naman siya maiinis kung sakaling gawin nga ni Theo ang sinabi? Nagseselos ba siya? Pumapayag na ba siyang maging Mrs. Theo De Marco? Of course not! HIGHEST RANK : #24 in Romance #21 in random #5 in PHR PHR top 2 Best Seller for the month of March 2017 ================================