Every Breath You Take (Where it All Begins)
diosamei
- Reads 1,066
- Votes 57
- Parts 11
From the Book Can't Lose You
---
BLURB:
"I ran away from my home," sabi ni Briella makalipas ang ilang minuto.
"Huh?" nagulat si Braun sa sinabi nito. Sa itsura nito ay alam niyang may kaya ang pamilya nito at kahit ang pamamaraan nang pananalita nito ay mahahalatang hindi lang ito basta-basta.
"Sabi nila mas magandang maglabas ng hinaing sa isang estranghero kasi makakakuha ka ng fair judgement kaysa sa mga kakilala mo na agad kang huhusgahan dahil sa nangyayari sa pamilya mo. Can I trust you, then?" tanong nito sa kanya at mataman siyang tinitigan sa mga mata.
"P-Puwede ko bang malaman kung ano ang sinasabi mong pangarap mo?" atubili niyang tanong dito.
"I want to be a Supermodel! Bata pa lang ako ay iyon na ang gusto kong maging, paglaki ko," sagot nito. "I know I can do it! Someday I'm gonna be a successful Supermodel! Makikilala ako sa buong mundo at hahangaan ng maraming tao."
"Then, I'll help you achieve your goal," nakangiting sabi niya rito.
"Huh? What do you mean?" kunot-noong tanong nito sa kanya.
Natawa siya ng mahina. "I'll pray for you, alam kong didinggin ni God ang mga hihilingin mo."
Lumawak ang ngiti nito sa mga labi na lalong nagpatingkad sa kagandahang taglay nito.
Kahit na gustuhin pa ni Braun na manatili doon at makipag-usap pa sa babae ay hindi na puwede. Dumating ang kanilang Driver at agad siyang nilapitan. Parang sa mga oras na iyon ay gusto niyang itulak palayo ang kanilang Driver at utusang muli para lang manatili siya sa tabi ng babae.
"Salamat sa oras, you make me feel better," nakangiting wika nito. "Someday, kapag pinagtagpo pa ang landas natin ay isa na akong sikat na modelo."
Tumayo na rin ito at lumapit sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Para siyang napako sa kinatatayuan at hindi nakagalaw, ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi sa ginawa ng dalagita.