Mielzoned
Minsan sa buhay, magmamahal ka ng isang tao. Ibibigay mo ang lahat sakanya. Oras, pagmamahal, atensyon, lahat. Ipaparamdam niya sayo na may #FOREVER at ika'y maniniwala dito. Mapapangiti ka niya, mapapakilig, mapapainlove ka niya. Subalit, hindi lahat ng minamahal mo, ay ibig sabihin ay siya na hanggang sa huli.
"Alam mo, mahirap maging masaya." Sabe ni Jane
"Baket mo naman nasasabe yan? So ayaw mo maging masaya?" reply ko
"Hindi sa ganun David. Kase, once na maging masaya ka at masanay ka, hahanap hanapin mo na eh. Kapag naging masaya ka, ibig sabihin nun ay may kukunin ang tadhana sayo na importanteng importante sayo. Okay na maging malungkot, at least kapag may nawala, hindi ako masyadong masasaktan."
Tama nga siya.