loveanatomybw
Synopsis
Isang malagim na aksidente ang naganap mga bandang alas 8 ng gabi, taong 1993 sa highway 56 brgy. Ilocandia Surigao Del Sur na siyang naging dahilan ng pagkamatay ng asawa at anak ni Teodoro Cruz (isang Nurse na kakauwi lang galing America). Namatay din ang isang lalaking nagmamaneho ng isang Container van Truck at himala namang nabuhay ang isang batang nakasakay din dito. Si Patty, 6 years old lang sya nung maganap ang aksidenteng nagdulot sa kanya ng sobrang takot at trauma. Sa kabutihang palad ay kinopkop siya ni Teodoro. Inalagaan, pinag-aral at minahal na parang tunay na anak. Lumaki si Patty na mabait at masunurin hanggang sa nakapagtapos ito ng kursong BS Nursing. Umibig sa Doctor na si Paul Dalisay, na nung una ay ginamit lamang siyang kasangkapan para pagselosin ang girlfriend nitong si Donna. Masyadong nasaktan si Patty sa kanyang mga natuklasan, kaya nagdesisyon itong lisanin ang Pilipinas para magtrabaho sa America sa pag-aakalang makakalimutan ang unang pag-ibig.Makalipas ang limang taon ay kinailangan nitong umuwi ng bansa para alagaan ang ama’ng may sakit.Muli namang magtatagpo ang dalawang pusong pilit inaalala ang nakaraan. May pag-asa pa ba kayang naghihintay para sa kanilang dalawa ni Paul? O tuluyan na itong tinuldukan ng panahon?...