B
10 stories
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,707,609
  • WpVote
    Votes 587,493
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Leo and Aries by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,272,865
  • WpVote
    Votes 151,727
  • WpPart
    Parts 45
Four high school students living in a world of complicated first love, dream and friendship. (year 1996) Note: Original Sound Tracks are available at the end of every chapter. Book cover by: @BinibiningMariya Date started: June 12, 2019 Date finished: April 17, 2020
A Kidnapper's Mistake by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,212,683
  • WpVote
    Votes 137,238
  • WpPart
    Parts 28
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakamali kung tatakpan ito ng panibago pang pagkakamali? Namulat si Nightmare sa mundo ng digmaan at paghihiganti para sa katarunangan ng kaniyang mga magulang na walang-awang pinatay noong siya ay bata pa. Kasama niyang lumaki si Leon na siyang apo ng kanilang Commander at itinuturing niyang kapatid. Ngunit paano kung dahil sa isang misyon ay magbago ang takbo ng plano at maging ang kanilang mga kapalaran? Si Audrey ay isang reporter na puno ng prinsipyo sa buhay. Isang dalaga na may angking sikretong tinatago sa kaniyang pagkatao na hindi niya maaaring sabihin kahit kanino. Nang dahil sa isang pagkakamali ni Nightmare ay nagbago ang takbo ng buhay ni Audrey. Paano pa maitutuwid ang pagkakamali ng isang kidnapper na nahulog na sa bitag ng pag-ibig? Book Cover by: @WattpadBetaTeam Date Written: November 26, 2014 Date Finished: December 07, 2018
Never Classic by KnightInBlack
KnightInBlack
  • WpView
    Reads 1,549,291
  • WpVote
    Votes 79,011
  • WpPart
    Parts 54
Cardinal Series 2
Hiraya (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 2,338,235
  • WpVote
    Votes 88,903
  • WpPart
    Parts 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
100 Tales Of Horror by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 528,955
  • WpVote
    Votes 30,676
  • WpPart
    Parts 104
100 short horror stories. Best time to read? Bedtime...
My Heart Has Teeth (✓)     by lavendareyes
lavendareyes
  • WpView
    Reads 1,350
  • WpVote
    Votes 364
  • WpPart
    Parts 10
Jaw-dropping cover designed by @deathinreverie ❝ A collection of poetry inspired by formations of virtues, and sins. ❞ 🥈 2nd Place in The Opulence Writers Awards 🥈2nd Place in The Chic Awards
Strange Voices of the Dead by DinoMadrid
DinoMadrid
  • WpView
    Reads 45,919
  • WpVote
    Votes 3,899
  • WpPart
    Parts 45
"I feel more than infinite with you." When Adrian died, Annara, a student library assistant, began hearing ghostly voices. Later in life, she meets Wicker, who resembles him, and this changes everything, making her realize that those strange voices were all in her head while revealing some of her secrets; that Adrian did not die the way everyone thought he'd be. *** Mula pagkabata, hanggang sa sila ay tumanda, hahawakan ni Annara ang pangakong binitawan sa kanya ni Adrian; na magsasama sila habangbuhay at siya lang ang tangi nitong mamahalin. They were so in love and so young. She used to write him letters, he always reserved a seat for her, and they both enjoy doing things that excite them. Annara's heart and soul were torn apart when Adrian died in a tragic accident when she was young. She begins hearing odd mystical voices in sorrow from him-voices she couldn't comprehend, as if all noises were emanating from beneath the ground. Some may find it distracting and unpleasant, but she finds it terrifying and intrusive. And then Wicker appeared, who resembled the man she had previously fallen in love with and poured her dearest affection into. He had a striking resemblance to Adrian. Parang pinagbiyak na bunga ang katangian at hitsura nila. He happened and changed everything. Nang dumating ang lalaking ito sa buhay niya, nanumbalik ang lahat ng alaala niya para kay Adrian. She began hearing lesser voices. Pawang binubura ng lalaking ito ang mga ingay na noo'y kinatatakutan niya. Those voices began to sing a different melody, with an unusual tone she hadn't heard in a long time. Could he be the one who helps her get rid of these voices, or will he make things worse? You may hear different sounds everywhere, every day. But it is somehow unsettling if you could hear strange voices of the dead.
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,681,533
  • WpVote
    Votes 307,470
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series) by TheLadyInBlack09
TheLadyInBlack09
  • WpView
    Reads 204,034
  • WpVote
    Votes 6,733
  • WpPart
    Parts 35
Fright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong pambata, taya-tayaan, taguan o kaya ay kwentuhan ng katatakutang may kasunod na food trip. Last Friday before their graduation day. Last Fright Night na din ng barkada, dahil pagkatapos ng graduation ay magkakaiba sila ng High School na papasukan. Isang sorpresa ang pagsali sa kanila ni Franco sa gabing iyon. Ang kaklase nilang isang perpekto ng modelo estudyanteng binubully sa eskwelahan. Nerd type. Matagal na nitong gustong sumali sa Friday Trip nila. Sa barkada nila. At ng gabing iyon sy pinagbigyan nila ito. Nang gabing iyon, tagu-taguan ang laro nila, at si Franco ang taya. At ng gabi ding iyon huli nilang nakita si Franco. At dahil sa takot na mapagalitan at mapahamak sa kanya-kanyang magulang, inilihim nila ang Fright Night na nangyari. Nawalang parang bula si Franco sa subdivision. Walang sinoman ang makapagsabi kung nasaan ito. Wala rin silang pinagsabihan na kahit na sino tungkol sa laro nila. At nangako sa isa't isa na kakalimutan ang lahat ng nangyari ng gabing iyon. Walang Fright Night na nangyari. Ga-graduate sila at magiging normal ang buhay ng bawat isa. At hindi nila alam, sa paglahong iyon ni Franco, tila naglaho na rin ang hinaharap nila. Susundan sila ng lihim na ibinaon nila sa limot. Susundan sila nito gaano man sila kalayo at gaano man karaming taon ang lumipas... Takasan man nila ng paulit-ulit, susundan pa din sila ng lihim na itinatago ng bawat isa at darating ang oras na sila din mismo ang hahanap sa sagot sa tanong Kung nasaan si Franco...