jiasans
- Reads 315
- Votes 26
- Parts 30
Minsan akala natin yung mga bagay na hawak natin ngayon, mag i-stay ng matagal na panahon.
Minsan iniisip natin na kung ano yung meron satin ngayon, mapapasatin na hanggang sa mga susunod na araw, buwan at taon.
Minsan yung akala nating atin na talaga, pinahiram lang pala sa maiksing pagkakataon.
Nakakalungkot lang isipin na andami mo nang nabuong pangarap kasama ang mga taong 'yon sa buhay mo, pero hindi pala sila mag tatagal dahil hindi naman pala sila para sayo.
Nakakatanga, kasi yung akala nating atin na talaga nakalaan pala sa iba.
Pero ano bang magagawa natin? Kung iyon ang gusto ng tadhana, mapipigilan pa ba? Malamang hindi na, kaya dapat tanggapin nalang natin at magpatuloy sa buhay. Mahirap lang naman sa umpisa, pero pag tumagal tiyak, masasanay ka na.