MissRobinWP
WARNING: MATURE CONTENT
Halos gumuho ang mundo ni Geri Acosta nang dahil sa panlolokong ginawa sa kaniya ng dating kasintahan. Muntik pa nga siyang malunod sa dagat dahil sa sobrang kalasingan at kalungkutan. Mabuti na lang dumating ang V.I.P. guest ng resort na pinagtatrabahuhan niya para iligtas siya sa pagkakalunod, si Lucas Alegre, ang kanyang knight in shining armor.
Dahil sa kagwapuhan, kakisigan at sobrang sweetness na taglay ng binata ay agad na nahulog ang puso niya para rito.
Tinuruan siya ni Lucas na muling maging masaya, muling magtiwala at muling magmahal.
Subalit dalawang linggo pagkatapos ng kanilang kasal ay bigla na lang itong naglaho na parang bula.
Pagkalipas ng dalawang taon ay muling nagkrus ang kanilang mga landas. Ngunit parang ibang tao na ang kaharap ni Geri sa muli nilang pagkikita. Para bang hindi na siya nito kilala.
O baka naman sadya lang talaga siyang kinalimutan ng asawa dahil may ibang babae na sa buhay nito ngayon. And worst of it, siya pa ang gustong kuning wedding cordinator ng fiancee nito para sa nalalapit na kasal ng dalawa.
Nagpapanggap lang ba si Lucas na may sakit o sadyang kinalimutan na talaga siya nito?
Paano na ang ang puso niya na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tumitibok para kay Lucas?
Basta na lang ba niya isusuko ang kasal nila o dapat ba niyang ipaglalaban ang pagmamahal na patuloy na nararamdaman para sa asawa?