maricardizon stories
51 stories
SLU HAWKS TRILOGY by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 15,507
  • WpVote
    Votes 748
  • WpPart
    Parts 10
BOOK 1: OUR ONE-SIDED LOVE Nagtransfer si Maricko sa San Lorenzo University para sa isang dahilan lamang - ang magkaroon ng pagkakataong maging malapit kay Hiro Valdez, ang ace pitcher ng baseball team ng SLU. Na love at first sight kasi siya rito noong minsang mapanood niya ang team nito na kalaban ng team ng dati niyang pinapasukang unibersidad. Hindi siya nabigong mapalapit kay Hiro dahil sa mga pangyayaring laging nagbibigay ng dahilan upang magkasama sila. Habang nakikilala niya ito ay lalong lumalim ang nadarama niya rito. Madalas din ay hindi niya maiwasang umasa dahil sa special attention na ibinibigay nito sa kanya. Ngunit agad ding nawala ang pag-asang iyon sa natuklasan niya tungkol dito. Hiro is in love with his childhood friend who is also his best friend's girlfriend. At kahit pa laging siya ang kasama nito ay alam niyang pag-aari pa rin ng babaeng iyon ang puso nito. Hanggang kailan ba siya maghihintay upang mabaling sa kanya ang pag-tingin nito?
I REMEMBER YOU (An Unpublished Novella) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 45,729
  • WpVote
    Votes 2,010
  • WpPart
    Parts 20
Nagising siya sa isang hindi pamilyar na lugar na walang maalala, kahit ang pangalan niya. A beautiful stranger suddenly appeared, telling her that her name was Bea. Apparently, naaksidente siya at nagkaroon ng temporary amnesia at ang guwapong estranghero ay asawa niya. His name was Jake. Hindi makapaniwala si Bea pero habang inaalagaan siya ni Jake at pinapaalala sa kanya ang buhay nilang magkasama, unti-unti siyang naniniwala. Hindi man bumabalik ang alaala niya, bumabalik naman ang nararamdaman niya. Her heart tells her that she was in love with Jake. Kung kailan handa na syang tanggapin ang buhay na ipinapangako ni Jake, saka bumalik ang mga alaala ni Bea. And she remembered things that changes everything.
TIBC BOOK 1 - THE RUGGED KNIGHT by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 248,465
  • WpVote
    Votes 11,035
  • WpPart
    Parts 23
Ria lived a monotonous life. Sawang-sawa na siya sa pagmamanipula ng mga makapangyarihang magulang niya. All her life, ang mga ito ang nasusunod kung paano niya patatakbuhin ang buhay niya. Ngunit nagkaroon ng kakaibang saya ang mundo niya nang pumasok doon si Greg Ledesma, the rugged knight on a motorcycle. Sa piling nito lang niya naramdaman ang kakaibang saya at pagmamahal na hindi pa niya naramdaman sa kahit sinong lalaki. She knew it was love. Ngunit muling nakialam ang kanyang mga magulang. Pinagbantaan ng papa niya ang buhay nito. Hindi mangyayari iyon kung papayag siyang makipaghiwalay kay Greg at pupunta sa States. Masyadong mahal niya ang binata kaya sinunod niya ang kanyang ama. At dahil doon ay inani niya ang poot ni Greg. Kung malalaman pa nito ang sakripisyong ginawa niya para sa pagmamahal niya rito, panahon na lang ang makapagsasabi...
TIBC BOOK 2 - THE LOVE COACH by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 99,311
  • WpVote
    Votes 4,996
  • WpPart
    Parts 12
Kahit matalino, tampulan pa rin ng panunukso ng kanyang mga kaklase si Angelique dahil sa ayos niya at paraan ng kanyang pananamit. Manang daw siya. Mabuti na lang, hindi ganoon ang pakikitungo sa kanya ng crush niya kaya bilang kapalit ay tinutulungan niya ito sa mga assignment nito. Ngunit natuklasan niyang ang pagtulong niyang iyon ang nais lang pala talaga nito mula sa kanya, at hindi dahil gusto rin siya nito. Hindi raw ito magkakagusto sa isang pangit na tulad niya. Labis na nasaktan siya sa ginawa nito. Aio offered to help her seek revenge on her ex-crush. Ime-makeover daw siya nito upang ipamukha sa ex-crush niya na nagkamali ito nang saktan siya nito. Miyembro ito ng infamous biker's club sa unibersidad nila kaya ito ang huling taong maiisip niyang tutulong sa kanya. Aside from the makeover, sinabi pa nitong magpapanggap silang magnobyo. Pero binalaan siya nito na huwag siyang mai-in love dito dahil baka lalo lang daw mawasak ang puso niya. But she did not heed his warning. Dahil bago pa matapos ang misyon nila, nahulog na nang tuluyan ang puso niya rito.
TIBC BOOK 3 - THE HEART THIEF by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 88,050
  • WpVote
    Votes 3,898
  • WpPart
    Parts 10
Parang gustong mag-back out ni Rhianna nang malaman niyang isa sa mga celebrity na idi-direct niya sa gagawin niyang liquor commercial ay si Cedric Marcelo, ang sikat na international motorcycle racing champion. She fell in love with him ten years ago, pero sinaktan lang siya nito sa pagsasabing kailanman ay wala itong sineryosong babae sa buhay nito. May expiry date daw ang pakikipagrelasyon nito sa isang babae, at isa lamang siya sa mga babaeng wala itong balak na seryosuhin. At ngayon ay nagbalik ito sa buhay niya at sinabing "I'll definitely win you back." Ninakaw na nito dati ang kanyang puso, hahayaan ba niyang nakawin uli nito iyon sa ikalawang pagkakataon? Ang sabi ng isip niya ay "hindi," pero kabaligtaran niyon ang sinasabi ng kanyang puso...
TIBC BOOK 4 - THE LONE WOLF by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 81,890
  • WpVote
    Votes 3,856
  • WpPart
    Parts 11
The moment Carrie saw Martin, she knew she was in love. Kaya ginawa niya ang lahat ng paraan para mapansin siya nito. Sa pagtataka niya, tila immuned sa charm niya ang guwapong binata. He always asked her to stay away from him. Pero isang bagay iyon na hindi niya kayang gawin. Kaya kahit magalit pa ito, lumalapit pa rin siya rito. Aalamin niya ang dahilan kung bakit ganoon ito sa kanya. Ngunit nang malaman niya ang dahilan, pakiramdam niya ay isa siyang talunan. Paano ay nalaman niyang mahal pa rin pala nito ang dating kasintahan nitong namatay sa isang accident. Kaya ba niyang makipagkompetensiya sa alaala ng isang patay na nagkataong mahal pa rin nito?
TIBC BOOK 5 - THE TROUBLEMAKER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 85,582
  • WpVote
    Votes 4,012
  • WpPart
    Parts 12
Para kay Sissy, isang misteryo si Jet Montero. Parang may lihim na itinatago ang guwapong binata sa pagkatao nito. Masungit din ito at madalas napapaaway, pero pagdating sa kanya ay umaamo ito na parang tupa. Alam niyang imposibleng ma-in love siya sa kagaya nito pero iyon ang nangyari. Kahit hindi pa niya lubos na kilala ito ay sumugal siya sa pag-ibig nito. At sa piling nito ay naramdaman niya ang kakaibang kaligayahan na hindi pa niya naranasan kahit kailan. Isang araw ay nagpaalam ito sa kanya at nag-iwan ng isang pangako na babalikan siya. She held on to that promise. Sadly, he never came back.
TIBC 6 - THE UNTAMED CUPID by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 80,015
  • WpVote
    Votes 3,662
  • WpPart
    Parts 13
Pasaway na anak si Janis. Panay sakit ng ulo ang ibinibigay niya sa kanyang mga magulang. Tuloy ay palagi siyang naikokompara sa kapatid niyang ang tingin ng lahat ay anghel sa kabaitan. Dahil doon ay naisip niyang kunin ang atensiyon ni Yuuji, ang lalaking iniibig ng kapatid niya. Nagtagumpay naman siya at naging nobyo niya ito. Yuuji was fun to be with. Ipinadama rin nito sa kanya na espesyal siya, isang bagay na hindi niya naramdaman sa kahit kaninong miyembro ng pamilya niya. Kaya nang lumaon ay nag-iba na ang tingin niya rito. Hindi na niya ginagamit ito upang inisin lang ang kapatid niya dahil iniibig na rin niya ito-for real. Ngunit nalaman niyang ito pala ay may rason din kung bakit nakipaglapit sa kanya, at iyon ay dahil sa awa...
GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 360,949
  • WpVote
    Votes 10,376
  • WpPart
    Parts 47
Kuntento sa tahimik na buhay si Cenon Sizperez. Tanggap na rin niyang mananatili siyang mag-isa hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Pero sa madaling araw ng bagong taon, nakilala niya si Wilma Sarza. From the moment he saw her, he knew she was dangerous. Hindi lang ito masyadong maganda at masyadong bata para sa kaniya, ninakawan pa siya nito ng halik bago sila naghiwalay. Kaya nang magkita uli sina Cenon at Wilma ilang buwan ang nakalilipas, desidido siyang iwasan ito kahit pa attracted silang pareho sa isa't isa. Pero sa huli, hindi rin nila napigilan ang nararamdaman. Iyon ay kahit puro problema, disapproval, panghuhusga, tsismis at kung anu-ano pa ang kinaharap nila. Hanggang isang araw, nalaman nilang konektado pala sila ng isang trahedya na nangyari sa nakaraan. Koneksiyon na mukhang makakasira sa kanilang nagsisimula pa lang na pagmamahalan.
Back In Time by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 87,833
  • WpVote
    Votes 2,508
  • WpPart
    Parts 15
"Hindi ka marunong magmahal!" Iyon ang sumbat ng isang katrabaho ni Ella sa kaniya. Hindi iyon totoo. She was in love with someone before. She loved him so much that she could die for him. Subalit isa na lamang iyong bahagi ng nakaraang ayaw nang balikan ni Ella. Isang nakaraan na matagal na niyang ibinaon sa limot. Ngunit iba ang plano ng tadhana. Isang araw, natagpuan na lamang niya ang sariling nakabalik sa nakaraan, sa kanyang katawan noong siya ay teenager pa lamang. And in front of her was Ken --the person she used to love and the same person that was destined to make her cry. [Please do buy the book. Available at all Precious Pages Book Store and other bookstores]