hellocaezar
- Reads 366,115
- Votes 10,570
- Parts 43
Isang prinsipe na nakatakdang maging hari.
Isang emperador na kinatatakutan ng mundo.
Isang pagpiling nagpabago sa tadhana.
Lumaki si Lark Lightborne na alam ang landas na tatahakin niya. Balang araw, siya ang uupo sa trono. Ngunit nang dumating si Emperor Leonhart Dandelion at piliin siya, gumuho ang lahat ng hinubog niyang kinabukasan.
Dinala sa isang imperyong nababalot ng digmaan, lihim, at mahikang nakaukit sa mismong dugo niya, mapipilitan si Lark na harapin ang bagong mundo at ang lalaking kumuha sa kanya.
Sa pagitan ng tungkulin, kapangyarihan, at isang ugnayang hindi maipaliwanag, mananatiling tanong...
Bakit siya? At ano ang kapalit ng pagpiling iyon?