Favorites
3 stories
Thy Love (Published by ABS-CBN Books) by UndeniablyGorgeous
Thy Love (Published by ABS-CBN Books)
UndeniablyGorgeous
  • Reads 8,445,525
  • Votes 306,776
  • Parts 37
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books) by UndeniablyGorgeous
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)
UndeniablyGorgeous
  • Reads 129,061,492
  • Votes 2,719,655
  • Parts 57
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang mag-ibigan na pinagtibay ng kasunduan. Nakatakda silang ikasal sa ika-dalawampung kaarawan ni Carmelita. Ngunit sa mismong araw ng kanilang engrandeng kasal ay binaril si Juanito. At hindi na nalaman pa kung sino ang may sala nito. Inakala ng lahat na doon na nagtapos ang kanilang masaklap na kuwento. Na gaya ng kanilang mga kaluluwa ay sumasalangit na rin ang naudlot na pag-iibigan nilang dalawa. Ang hindi nila alam, may ibang plano ang tadhana. The laws of nature will bend. After more than 104 years, Carmela, the fourth generation of the Montecarlos clan will be born on a leap year - sa parehong araw ng kapanganakan ni Carmelita. A short trip to San Alfonso for her 20th birthday will give her rebellious life a whimsical twist. Through a diary, she'll go back in time. And the Carmela of 2016 will meet Juanito of 1892. Next story to read after ILYS1892: 1. Our Asymptotic Love Story 2. Bride of Alfonso Book Cover by: ABS-CBN Publishing Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
Salamisim (Published by Anvil Publishing Inc.) by UndeniablyGorgeous
Salamisim (Published by Anvil Publishing Inc.)
UndeniablyGorgeous
  • Reads 11,542,367
  • Votes 571,024
  • Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saaan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020