patiluna22's Reading List
11 stories
Alimpuyong Puso by AndreaCornilla
AndreaCornilla
  • WpView
    Reads 180,461
  • WpVote
    Votes 5,442
  • WpPart
    Parts 63
Wattys Shortlist 2025 Pinamana kay Mary Jane Bueno ng kanyang yumaong lola ang kanilang ancestral mansion na noong Spanish Era pa nakatirik. Saksi ang lugar na iyon sa mga pinagdaanan niya sa buhay simula pagkabata. Subalit sa kanyang pagbabalik sa mansyon, hindi inasahan ni Mary Jane na sa ibang panahon pala siya dadalhin. Napadpad siya sa taong 1886, bilang Juana Maria Alcaraz Morales at asawa ang nangangalit na si Alvaro Morales na isang doktor. Sa pagbabalik sa lumang panahon, sa panahon na may pamahalaang Kastila at hindi niya nakasanayan-anong magiging papel ni Mary Jane doon? Anong mga lihim ang nakakubli na magdidikta sa takbo ng buhay niya? Title: Alimpuyong Puso Author: AndreaCornilla Genre: Historical Fiction Fantasy Romance Novel Status: Complete #AndreaCornillaAlimpuyongPuso
Alicia by MariaEljey
MariaEljey
  • WpView
    Reads 67,335
  • WpVote
    Votes 3,784
  • WpPart
    Parts 49
Labis ang paghanga ni Alicia kay Lance na isang sundalong Amerikano. Subalit palagi iyong napupurnada sa tuwing siya ay ginugulo ng kaibigan ng kaniyang kapatid na si Felipe. Higit pang guguho ang mundo ni Alicia nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko nang salakayin ng mga Hapon ang kanilang bansa at kinakailangang lumaban ng mga sundalo kung saan ay kabilang doon ang kaniyang kapatid maging ang lalaking itinatangi ng kaniyang puso upang ipagtanggol ang Pilipinas laban sa bagong mananakop. Makawala pa kaya sila sa digmaan? Makamit pa kaya nina Alicia ang kalayaan sa gitna ng papaupos na pag-asa? Magawa rin ba ng digmaan na baguhin ang itinitibok ng kaniyang puso? Sinimulan: January 15, 2021 Tinapos: --- #1 in Japanese Era 05/25/21, 01/02/23, 04/05/23 #1 in Historical Romance 08/31/2022 #1 in Philippine History 06/12/2023 Book Cover by Binibining RO MA
Está Escrito (It is Written) by YellowLock
YellowLock
  • WpView
    Reads 522,180
  • WpVote
    Votes 20,975
  • WpPart
    Parts 55
[COMPLETED] Isang Historical fiction sa loob ng isang historical fiction. Mabubuhay ka pa kaya sa kasalukuyan kung di ka pa nakakatakas sa nakaraan? (Completed) (Taong Inilimbag: Disyembre 2013 - Mayo 2017) ....
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,100,716
  • WpVote
    Votes 187,750
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,669,315
  • WpVote
    Votes 307,297
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Hiraya (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 2,324,238
  • WpVote
    Votes 88,705
  • WpPart
    Parts 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,645,805
  • WpVote
    Votes 586,805
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 34,049,261
  • WpVote
    Votes 838,356
  • WpPart
    Parts 49
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa kanyang puso: si Nathan. Magagawa kaya nilang maitama ang pagkakamali ng nakaraan upang maiwasan ang trahedyang dulot ng bawal na pag-ibig na nagsimula pa noong una at nagpapatuloy kahit ilang siglo na ang nakalipas? O hanggang sa panahon bang ito ay hindi pa rin nila mababago ang nakasulat sa kanilang kapalaran? A story that will look back from its past and present. Will the lines connect them for the second time around? or Will history repeats itself? [Next: "Bride of Alfonso"] Date Written: May 06, 2017 Date Finished: November 12, 2017
My Husband is a Mafia Boss by Yanalovesyouu
Yanalovesyouu
  • WpView
    Reads 218,855,756
  • WpVote
    Votes 4,423,588
  • WpPart
    Parts 68
Si Girl - may pagka-childish, slowpoke, exaggerated mag-isip, accident prone, sweet, mabait, super friendly, hindi nauubusan ng energy, positive thinker pag dating sa mga problema. Si Guy - mature, seryoso, hindi ngumingiti, bossy, masungit, snob, magaling mag-handle ng mga bagay, a perfect decision maker, hindi nakikipag-kaibigan, lahat tinuturing nyang competitors/kaaway. What if magtagpo ang landas nilang dalawa? At magkaroon ng biglaang kasal dahil sa di inaasahang pangyayari? Are they going to prove na total opposite attracts? O maghihiwalay din sila in the end? paano pakikisamahan ni girl ang asawa nyang mafia boss? matagalan kaya ng isang mafia boss ang asawa nyang slow? Let's see..