rinrinzuzu
Ang tanging gusto ko lamang ay magaang pamumuhay para sa aking pamilya. Nais ko lamang silang mabuhay nang marangya. Ang tangi ko lang gusto ay maging masaya ang aking pamilya ngunit hindi makatarungan ang mundo para sa amin. Kailangan ko ng yaman upang mabuhay kami.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang inaakala kong magandang buhay para sa aking pamilya ang siya pa palang maghahatid ng labis na hirap sa aking sitwasiyon. Sa kabila ng impyernong aking napasukan merong tila isang anghel ang dumating. O iyon lamang ang aking tingin?
Dahil hindi ko kailan man naisip na maaari itong mangyari sa akin. Hindi ko kailan man inisip na kakapit ako sa patalim upang isalba ang aking buhay.
Hindi ito ang buhay na aking inaasahan. Ang maging asawa sa isang kontrata lamang.
Matsunaga Series #1
---
rinrinzuzu
All.Right.Reserved.2021