nanayangel
Isang oras bago tuluyang magpaalam ang gabi at magbigay buhay sa isang bagong umaga - ito ang pinakaaabangan ni Franz. Napakarami nitong dinadalang alaala kasabay ng pagdampi ng kalmadong tubig sa mapuputing buhangin na pinalamig ng gabi. Mga masasayang alaala mula sa espesyal na lugar sa kanyang puso. Binabalot ng tuwa, lungkot, at pananabik ang kanyang puso kasabay ng pagbulong at pagyakap sa kanya ng hangin. Kasama ng mga alaala, kasama ng mga lihim; may puwang pa kaya para sa kaligayahan?