Strike #1: Away from the Mound
TheThirdIdiot
"How does it feel to play in a high school baseball field? Is it fun? Or is it only a means to improve your playstyle?" Mga tanong na laging umiikot sa isip ni Keanu Fitzschuyler Lee Wahlberg, an aspiring baseball pitcher, simula n'ong mapanood niya ang iba't ibang video clips ng high school baseball na ibinigay sakaniya ng kaniyang amang baseball analyst.
Dahil homeschooled si Keanu sa buong fifteen years of life niya, isa sa mga pangarap niya ang magkaroon ng high school life at makapaglaro ng high school baseball. Hindi niya inexpect na dahil sa isang duty call para sakaniyang ama ay makakamit niya ang pangarap niyang ito, ngunit sa isang kondisyon: he has to stay away from the mound.
Labag man sa prinsipyo niya ang paglayo sa pitcher's mound ay hindi pa rin siya nag-atubiling mag-take ng entrance exam sa isa sa mga prestihiyosong paaralan sa bansa, ang St. Adelaide Academy.
Sa St. Adelaide Academy ay makikilala niya ang personification ng salitang perfection na si Clementine Elise Hernandez Lopez, an aspiring baseball scout and analyst. Ngunit kahit gaano ka-cheerful ni Clementine sa ibang tao ay gan'on din ang level ng hostility nito kay Keanu dahil sa... well, sa hindi malamang dahilan.
Join Keanu and Clementine as they traverse the journey towards their dreams in the world of high school baseball... while always being at each other's throats.