Enjaye15's Reading List
3 stories
I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 154,769
  • WpVote
    Votes 4,379
  • WpPart
    Parts 22
This book is now published under Reb Fiction and is now available in bookstores. Please do grab a copy! Thank you. (Formerly known as Not Another Gangster Love Story) Hi! Ako si Nadine at hooked na hooked ako sa online novels mula sa mga free online reading websites. Kahit nabasa ko na sa Internet ang novels na iyon, binibili ko pa rin kapag na-publish na bilang libro. Gustung-gusto ko kasi kapag napapakilig ako ng teenage novels na nababasa ako. Hopeless romantic kasi ako. In fact, araw-araw, nangangarap ako na mangyayari sa akin ang isa sa love stories na binabasa ko. Ang sarap sigurong maging bida sa mga nobelang gaya niyon. Lalo na kung isang guwapong gangster na nauusong gawing hero ng mga nobelang nababasa ko ang maging love interest ko. Bigla tuloy napansin ko si Calix Roque-ang campus bully sa SCH at lider ng isang teen gang. Kapag kinanti mo siya, pilik-mata mo lang ang walang latay. Pero in fairness, cute si Calix. Hindi ko ine-expect pero na-turn on ako sa kanya. Kaya nakagawa tuloy ako ng isang bonggang desisyon. Paiibigin ko si Calix at gagawa ako ng sarili kong real-life gangster love story! Eh, kaso umubra kaya ang plano ko kay Calix kung mukhang walang gustong gawin ang gangster na iyon kundi ang pandilatan, takutin at pagkatuwaan ako? *Unedited version *Preview only
Eh Di Sa Puso Mo (St. Catherine High series Book #2) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 17,558
  • WpVote
    Votes 437
  • WpPart
    Parts 7
Hi! Ako si Alex. Ako 'yong kaibigang hindi mo makakausap nang matino kasi madalas pipiloposopohin o babasagin ka. Ako 'yong mahilig gumamit ng mga salitang kalye at nauuso sa ngayon. 'Yong ang least favorite school subject ay English. 'Yong makikita mong madalas na nasa tabi ng streetfood cart at kumakain ng isaw. 'Yong ang nakalagay na employer sa Facebook profile ay "Eh di sa puso mo." Ako 'yong sinasabi nilang jologs. Oh, eh di sige. Jologs na kung jologs. Komportable naman ako sa sarili ko. Hindi tulad ng mga conyo at mga trying-hard sosyalerang kung maka-Ingles, wagas. 'Di ko sila trip. Pero nang dumating ang bagong English teacher naming cutie pie at sosyal, biglang naalog ang mundo ko. Tinamaan ako. Sapul, eh. Kaya bigla, nag-decide akong mag-transform from a jolog to a conyo. Gusto ko kasing mapansin ako ni Sir. Pero ang hirap palang magpaka-Inglesera at conyo. Lalo na kung merong asungot na bumabasag ng trip ko. Peste 'tong si Jake. Pinagtatawanan at nilalait niya lang ang effort ko na magbago. Siya 'yong mapang-asar na classmate na rich kid pero trying hard na maging jologs. Ano namang trip ng isang 'yon? *This is the unedited version *This book is already published under Reb Fiction with the rest of the series (SCH). Available in bookstores nationwide
Falling for the Billionairess (Published by Bookware) by elisestrella
elisestrella
  • WpView
    Reads 3,210,075
  • WpVote
    Votes 83,246
  • WpPart
    Parts 58
COMPLETED REPOSTED Published by Bookware Publishing. --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice president ng Balajadia Industries, ang kompanyang pag-aari ng pamilya niya na may kinalaman sa lahat na yata ng uri ng industriya sa Pilipinas. Estimated net worth: US$11.6 billion. Ako si Ash Montesines, ang twenty-five-year-old na bagong graduate after seven years in college at tatlong beses na pagpapapalit-palit ng course, family black sheep at damn proud of it. Current net worth: P1,127.25. Paano nag-krus ang mga landas namin? Ipinasok ako ng Ninong ko sa kompanya nila Meredith bilang personal assistant ni Miss Billionairess matapos akong itakwil ng tatay ko dahil nabangga ko ang pinakamamahal niyang Audi R8 sa barrier sa C-5. Kung di ko mapatunayang kaya kong buhayin ang sarili ko sa loob ng anim na buwan nang hindi umaasa sa kanya, good bye, mana na hindi man $11 billion ay malaki-laki rin naman. I've never worked a day in my life, but I've never been without money either. Kaya paano ko lalampasan ang challenge na ito sa buhay ko at makumbinsi ang bago kong boss na huwag akong patalsikin matapos ang mga katangahan ko sa opisina niya? Simple lang. Lalaki ako at babae si Meredith. You do the math. --- Mature content. Reader discretion is advised. Published by Bookware Publishing Corp.