MsRIAN
Isang panalo nalang makukuha na ni Taker Marisa ang hiling nya... pero pano na kung ang mismong Handler nya ang naging hadlang para mapunta sa wala ang napakahaba nyang pag hihirap?
“Okay, pag-binigyan kita ng pangalan… sasagutin mo naba lahat ng tanong ko?” panimula ni Chase pag-upo nila sa sala.
“Sure, basta gandahan mo ha!” naka-ngiting sabi nung babae.
Nag-isip ng matagal si Chase, ang dami nyang na-iisip na pangalan, pero di bagay para sa babaeng kaharap nya ngayon… nag-isip nalang sya ng mga bagay na gusto nya tulad ng~
“Ang tagal naman…” sarcastic na sabi nung babae at nilalaro nanaman yung buhok nya…
*sigh*
“Monochrome…”
“HAH! B-bakit naman?” parang curious at excited yung babae…
Hmm baka nagustohan nya.
“Kasi muka kang black and white!” Pangiting sabi ni Chase.
Please comment, I need to know if this is worth your time, as well as mine :3