Pinkittiipisces
- Reads 72,611
- Votes 1,075
- Parts 6
PAIN SERIES # 1
Marrying the person you love is an incomparable pleasure that makes your life lively. But would you still be happy if you were married only to be punished?
Isang babaeng ang tanging hangad ay mahalin siya pabalik ng taong kaniyang minamahal. Bawat luha na papatak sa kaniyang mga mata ay paulit-ulit niyang pupunasan. Mga pasa at sugat na makikita sa bawat parte ng kaniyang katawan ay walang angal niyang gagamutin. At ang bawat masasakit na salita na kaniyang maririnig ay handa niyang tiisin.
Ang mabuhay sa piling ng kaniyang asawa ay isang napakalaking pagsubok na kahit sino ay pipiliin nalang ang sumuko. Ngunit dahil sa kaniyang pagmamahal ay handa siyang magsakripisyo at patuloy na pagdaanan ang bangungot at parusa ng nakaraan.
Ngunit hanggang saan dadalhin ng pag-ibig si Shainnah Brielle, kung ang buhay niya sa kasalukuyan ay tila isang impyerno na kailangan niyang pagdaanan sa araw-araw. Makakaya niya pa kayang magtiis at patuloy na kumapit sa pag-iibigang siya lang mag-isa ang lumalaban? Makukuha niya ba sa huli ang pagmamahal na kaniyang hinahangad? Mananatili pa ba siya sa piling ng malupit niyang asawa o tuluyan ng susuko?
Being married to the Ruthless Man is like a living hell that she needs to endure 'till her last breath.