jeniferpunzalan's Reading List
6 stories
Imperfectly in Love (Complete) by sunako_nakahara
sunako_nakahara
  • WpView
    Reads 632,226
  • WpVote
    Votes 9,510
  • WpPart
    Parts 52
FYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before 2015 (so estimated 250,000 x 50 chaps if you want the total read count). From 2009-2014, it is a whole story in one part. So thank you guys for giving this a shot before! Please enjoy the not so edited per chapter story! Salamat po sa pagmamahal ❤❤❤ Simple lang naman ang magmahal, tayo lang naman ang gumagawa ng paraan para maging komplikado ito.. Kung mahal ka at mahal mo, ipaglaban mo.. Kung hindi ka makapili, hayaan mo ang puso mo ang pumili.. Kung hindi pa ngayon ang oras nyo na magsama, hintayin mo at kung bumalik siya sayo-kayo talaga!! Sana nga ganun na lang ano? para happy ending ang lahat.. Yun nga lang, bakit ang akin, hindi naging ganung kadali.. Mahal ko siya at Hanggang dun lang yon.. Pero sabi nga nila, kapag may umalis, may darating.. Umalis na ang taong mahal ko. May dumating na ba? Sana nga, dumating na siya.. Ang taong mamahalin ako.. Mamahalin nya... ang tunay na ako.. Ang hinding perpektong ako..
Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE) by sunako_nakahara
sunako_nakahara
  • WpView
    Reads 104,674
  • WpVote
    Votes 1,556
  • WpPart
    Parts 44
Keep Holding on Minsan.. akala mo kuntento ka na sa buhay mo.. na masaya ka na sa mundo mo.. mahal mo xa at mahal ka nya.. sapat na.. pero minsan hindi mo aakalain na may isang sorpresa ang gugulat sayo.. hindi lang basta gugulat kung hindi maninira sa mga pangarap mo.. na magpapabago sa takbo ng mundo mo.. magpapahinto sa buhay mo.. at mag-iiwan ng isang malaking butas na akala mo..napunuan na.. na natabunan na.. Kung kailan akala ko perfect na ang lahat.. Saka darating ang unos.. Unos na Magpapatatag sa pagmamahalan namin Ni Aidan...
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order) by JohnPolicarpio
JohnPolicarpio
  • WpView
    Reads 747,633
  • WpVote
    Votes 46,626
  • WpPart
    Parts 69
Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. Nakakapressure ba? Wala pa yan. Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh. Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila. And to promote world peace nga pala. Rakenrol!
A Love Like This (FFTB #2) by elisestrella
elisestrella
  • WpView
    Reads 3,016,666
  • WpVote
    Votes 90,939
  • WpPart
    Parts 86
COMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Falling for the Billionairess Book 2. --- Siya si Meredith Balajadia, ang executive vice president ng Balajadia Industries, my boss, my fiancée and the love of my life. Ako si Ash Montesines, reformed basagulero at tomador, amazing assistant, awesome fiancé at guwapong-guwapong future COO at milyonaryo. The moment I asked her to marry me, alam ko nang hindi na ako puwedeng bumalik sa dati kong buhay, 'yung pa-easy-easy lang na happy-go-lucky na may "bahala na si Batman" attitude. At ayoko na rin namang bumalik d'un. Hindi na ako 'yun eh. Pinili kong magbago para kay Meredith at masaya naman ako sa sarili ko. Sa katunayan, ngayon lang ako naging ganito kasaya sa sarili ko. Gayunpaman, kailangan ko pa ring patunayang karapat-dapat ako sa pagmamahal ni Mere. First time kong magmahal nang ganito kaya sigurado kong magkakamali ako. Basta ayoko siyang bigyan ng dahilang pagdudahan ang naging desisyon niyang piliin ako o na magbago ang isip niya tungkol sa 'min. Sabi niya sa 'kin na siya. Wala nang bawian. Forever na 'to. --- Mature content. Reader discretion is advised. Published by Bookware.
Falling for Ash Montesines by elisestrella
elisestrella
  • WpView
    Reads 1,849,212
  • WpVote
    Votes 44,977
  • WpPart
    Parts 50
COMPLETED on Wattpad ON GOING on HaloReads (Revised 2025 Version) --- "Falling for the Billionairess" as told from the POV of Meredith Balajadia. --- My name is Meredith Balajadia, EVP ng Balajadia Industries na pagmamay-ari ng pamilya namin. If asked to describe myself, I'd say I'm diligent, a hard worker, and a strict but reasonable boss. If you noticed, lahat ng sinabi ko ay tungkol sa trabaho. That's because my life revolves around my work. Saan ko pa siya papaikutin? Aside from my work and my family, I have very little else. Then in comes Ash Montesines with a cocky grin and the wrong coffee on his first day of work as a substitute for my ever-efficient assistant. Are you kidding me? Kilala ko siya in a way dahil nababalitaan ko ang mga kalokohan niya tulad ng pakikipag-away sa bars at pagpapapalit-palit niya ng mga model girlfriends. Hindi niya kakayanin ang trabaho na 'to. Pero habang tumatagal at mas lalo ko siyang nakikilala, nagbabago ang tingin ko sa kanya. Mabait naman pala, hindi naman talaga mayabang, and most of all, he was also really smart despite his online reputation. Not to mention na guwapo talaga siya at lagi niya akong napapatawa. Sige na, aaminin ko na. Maybe I was falling for Ash Montesines. Ang ikinakatakot ko lang ay baka hindi niya ako saluhin. --- Please excuse the loopholes first. I haven't read FFTB in its entirety when I started writing this book. Will edit that first before I edit and rewrite this as needed. Dedicated to everyone who requested for Mere's POV. Thank you po sa inyong lahat! Mature content. Reader discretion is advised.
Falling for the Billionairess (Published by Bookware) by elisestrella
elisestrella
  • WpView
    Reads 3,216,543
  • WpVote
    Votes 83,265
  • WpPart
    Parts 58
COMPLETED REPOSTED Published by Bookware Publishing. --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice president ng Balajadia Industries, ang kompanyang pag-aari ng pamilya niya na may kinalaman sa lahat na yata ng uri ng industriya sa Pilipinas. Estimated net worth: US$11.6 billion. Ako si Ash Montesines, ang twenty-five-year-old na bagong graduate after seven years in college at tatlong beses na pagpapapalit-palit ng course, family black sheep at damn proud of it. Current net worth: P1,127.25. Paano nag-krus ang mga landas namin? Ipinasok ako ng Ninong ko sa kompanya nila Meredith bilang personal assistant ni Miss Billionairess matapos akong itakwil ng tatay ko dahil nabangga ko ang pinakamamahal niyang Audi R8 sa barrier sa C-5. Kung di ko mapatunayang kaya kong buhayin ang sarili ko sa loob ng anim na buwan nang hindi umaasa sa kanya, good bye, mana na hindi man $11 billion ay malaki-laki rin naman. I've never worked a day in my life, but I've never been without money either. Kaya paano ko lalampasan ang challenge na ito sa buhay ko at makumbinsi ang bago kong boss na huwag akong patalsikin matapos ang mga katangahan ko sa opisina niya? Simple lang. Lalaki ako at babae si Meredith. You do the math. --- Mature content. Reader discretion is advised. Published by Bookware Publishing Corp.