sunmaruuramnus
- Reads 286,595
- Votes 4,377
- Parts 56
THE BILLIONAIRE'S PLAYGROUND
Sepharina Aria Montes, 19 years old, ay sanay nang harapin ang mundo nang mag-isa. Matapos makulong ang kanyang ama sa kasalanang hindi nito ginawa, naiwan siyang walang ibang masasandalan kundi ang sarili niya. Sa paghahanap ng paraan upang mabuhay at mailigtas ang pangalan ng kanilang pamilya, napilitan siyang pumasok sa isang lugar na hindi dapat niya natuklasan.
Ang Oblivion Grim Place-isang lihim na mundo na tinatawag ng mga makapangyarihan bilang The Billionaire's Playground. Isang lugar kung saan ang pera, kapangyarihan, at madilim na pagnanasa ng mga elite ang namamayani.
Doon niya nakilala si Zephyr Rigeon Severino, isang 30-year-old billionaire na kilala sa malamig niyang personalidad at walang pusong pamamaraan. Para sa kanya, ang Oblivion Grim Place ay simpleng libangan lamang-isang lugar kung saan nakakalimutan niya ang mundo at sinusunod ang lahat ng gusto niya.
Ngunit nang mapunta si Sepharina sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, hindi niya inasahang ang inosenteng babae na dapat ay isa lamang laro ay magiging isang bagay na hindi niya kayang bitawan.
Sa mundo kung saan ang tao ay nagiging pag-aari at ang damdamin ay itinuturing na kahinaan, kaya bang makatakas ni Sepharina mula sa isang billionaire na sanay makuha ang lahat?
O magiging bahagi siya ng pinakamadilim na laro ni Zephyr Severino?
Because in his playground... no one leaves without a price.