MicahBlankcover
"Andrea, pag namatay ako, siya ang magiging kapalit ko."
Sabi ni Papa habang ibinigay niya sakin yung phone na hawakhawak niya.
"Papa, wag kang magsalita ng ganyan.."
Sinabi ko ng pabulong habang dahan-dahang bumubuhos ang luha ko.
"Siya si Anonymous at siya ang tutulong sayo kapag nawala na ako."
Nakangiti si Papa habang dahan-dahang hinalikan ang noo ko.
"Sana'y pagkatiwalaan mo siya gaya ng pagkakatiwala mo sa akin."
***
Dalawang taon na ang nakakaraan nung namatay si Papa at binabantayan pa rin ako ni Anonymous.
Si Anonymous ang gumagabay sakin kapag may problema ako. Siya rin ang nagpapangiti sakin kapag naala ko si Papa.
'[Sugar, hot and spice. Ganyan ang buhay ni Andrea. Kahit wala na siyang pamilya, ay nagsusumikap siya sa araw-araw niyang buhay. But wait, there's more— when her Papa left her, he left something that could be the most precious thing. A PHONE. Ha? Phone? Hindi lang basta-bastang phone, and this phone includes the weirdest contact— ever!