HINIRANG NA ANITO
8 stories
 Tawaghit ng Karimlan by goluckycharm
Tawaghit ng Karimlan
goluckycharm
  • Reads 3,746
  • Votes 265
  • Parts 5
HINIRANG NA ANITO #13 Ang tanging nasa isip lang ni Santi ay mamatay. Sa dami ng problema niya sa buhay niya'y ang tanging sulosyon na nakikita niya ay ang pagtalon sa tulay. Subalit sa pagkakataong iyon, ang anito ng karimlan na nag ngangalang Sitan ay kasalukuyang naghahanap ng angkop na katawan sa kaniyang muling pagkabuhay. Isang puwersa ang dumarag sa kaluluwa ni Sitan upang pumasok sa nag aagaw buhay na katawan ng binata. Isang kasunduan ang nabuo sa kanilang pagitan. Mag-iisa ang kanilang kaluluwa't paghaharian nito ang kaniyang katawan subalit kinakailangan na panagutin ni Sitan ang mga taong naging dahilan sa pagdurusa nito. Ang dakilang hari ng kadiliman ay nakulong sa katawan ng isang mortal dala-dala ang sarili nitong memorya at pagkakakilanlan. Dahil dito'y matatagalan ang pagbalik nito sa kaniyang kaharian upang pamunuan ang nalalapit nilang paghahasik ng lagim saan mang dako ng mundo. Subalit ano ang mangyayari kung ang dakila at kataas-taasang anito ng karimlan ay gusto ng talikuran ang tuntunin nito sa pag aakalang isa itong tao?
Dakilang Dayang by fevriyehiver
Dakilang Dayang
fevriyehiver
  • Reads 1,117
  • Votes 68
  • Parts 2
Hinirang na Anito #11 Hindi malaman ni Carina Cordero ang mga pangyayari na paulit-ulit niyang napapanaginipan. Tila ba totoong naganap ito sa kanya noon at napapaisip siya kung may kaugnayan ba ito sa dati niyang buhay. Dumagdag pa ang dalawang tao na lagi na lang nakabuntot sa kanya. Labis siyang naguguluhan kung bakit nakasunod ang mga ito sa kanya kahit na ilang beses niya pa itong itaboy. At pilit din siyang sinasabihan ng dalawa na sila'y kanyang kaibigan noon pa mang bata pa sila na siya namang hindi niya pinaniniwalaan sapagkat wala siyang naging kaibigan simula bata pa lamang. Subalit paano kung dumating ang araw na malaman niyang nasa harap na pala mismo niya ang kasagutan sa mga tanong niya sa kanyang sarili noon pa man? Papaniwalaan niya kaya ito? O hahayaang ang sariling mabilanggo sa mga katanungang maski sa sarili niya ay hindi niya masagot?
Bahala Na by _gabriyel
Bahala Na
_gabriyel
  • Reads 1,068
  • Votes 108
  • Parts 5
❈ ONGOING ❈ Hinirang na Anito #10 Sa likod ng bawat kidlat, tambol ng kulog sa mga ulap, at sa pagbuhos ng ulan, nakatanaw ang makapangyarihang nilalang na sinasamba ng karamihan. Siya'y nakamasid, nagbabantay, at tumutugon sa bawat kahilingan. Doon sa kasukdulan ng Kaluwalhatian, sa isang malaking tronong ginto ng isang malaparaisong kaharian, nananahan ang pinakamakapangyarihang diyos ng mga nilalang. Siya ang diyos na nakaaalam ng lahat. Sa kanyang kapangyariha'y walang makatatapat. Siya ang hari ng mga hari, ang dakilang pinuno ng lahat ng diyos, ng mga anito. Sa kabila ng kanyang perpektong kaganapan at kapayapaan, isang banta ang sa kanyang trono ay nag-aabang. Isang hamon ng panganib at kaguluhan na dulot ng mga katagang... "Bahala na." ❈ Credits to @geksxx for the story cover. ❈ | 02 | 14 | 2022 |
Silakbo ng Marahuyo by hikariwanders
Silakbo ng Marahuyo
hikariwanders
  • Reads 1,254
  • Votes 136
  • Parts 3
ON-GOING | Hinirang na Anito #9 ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Ilang siglo pa man ang lumipas, ang mga marka ng nakaraan ay mananatiling nakatatakat sa puso't isipan ng sangkatauhan. Mula sa ipinagpasa-pasahang mga salita hanggang sa mga teksto, ang walang katapusang gulo ng Kaluwalhatian at Karimlan ay nakalimbag. Bawat ninuno'y may natatanging alamat na bumaon sa kanilang isipan; isang anito ng kasamaang sapantaha'y matagal nang yumao. Sapagkat sa tinagal na panahong ang kapayapaan ay namuno, walang kasiguraduhan kung ang kahamakang ito'y tuluyan nang nilisan ang mundo. Ngunit sa paglubog ng araw sa himpapawid, ang mga nakagigimbal na pangyayari sa nakaraan ay manunumbalik. Sa kalagitnaan ng kagalakan at kapayapaan ng gabi, ang Silakbo ng Marahuyo ang susupil sa Kaluwalhatian, at sa paglaganap ng peligro ay magbubunyi ang isang namumuno sa dagap ng Karimlan.
Atarah: Bagwis ng Haraya by xiwven
Atarah: Bagwis ng Haraya
xiwven
  • Reads 1,115
  • Votes 96
  • Parts 4
HINIRANG NA ANITO #6 SI ATARAH ay isang taong sanay mamuhay maralita. Isa siyang dalaga na sa simula pa lamang nang magkamalay sa mundong ginagalawan-na kung saan kung hindi siya kikilos ay hindi magkakaroon ng laman ang kaniyang kalamnan-ay natuto nang makibaka at gumawa ng sariling pagdaloy ng kaniyang tadhana. Maaga siyang namulat sa reyalidad at hirap ng buhay na naging dahilan kaya naman nang may kaunting liwanag na sumilip sa madilim niyang kinasasadlakan, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na bitiwan ang kung ano ang kaniyang nasa likuran upang sunggaban iyon na sanang magsisilbi niyang kinabukasan. Subalit, hindi lahat nasusunod sa kagustuhan ng tao. Ang liwanag pala na iyon ay panandalian lamang na tila paghahabol sa hangin-walang kabuluhan. Matapos noon, isang mahabang pagkalito na lamang ang tumalima sa kaniya. Ano na nga ba ang nangyayari?
Tikatik ng Alabok by Geksxx
Tikatik ng Alabok
Geksxx
  • Reads 921
  • Votes 95
  • Parts 2
『Hinirang na Anito #5』 Sa mundong kinukubli ng kadiliman, ang nakakabighaning paraisong para sa mga nilalang na makasalanan ay siyang matatagpuan. At sa isang kisapmata lamang, ang nakabubulag na liwanag ay masisilayan mula sa nagniningas na palad ng natatanging alagad ni Sitan; alagad na tapat at buong pusong sumusunod sa kinatatakutan, na nagmula mismo sa kanyang sariling tadyang. Sa munting bituwin sa Karimlan, ang karumaldumal na tadhana ay matatamasa. Na ang inaakalang mainit na haplos, walang katapusang sayawan at hiyawan ay isang matinding lason na lumalamon sa isipan. Dahil sa pagkaubos ng oras, ang liwanag ay magpapaalam. At sa paglisan ng liwanag. . . Ang Pagtikatik ng mga Alabok ay sasakop sa himpapawid, at mag iiwan ng malagim na alaala sa sanlibutan.
Anitun Tabu by SinisterSnow
Anitun Tabu
SinisterSnow
  • Reads 2,025
  • Votes 139
  • Parts 2
Hinirang na Anito #3
Aguhon ni Tadhana by lostmortals
Aguhon ni Tadhana
lostmortals
  • Reads 3,335
  • Votes 238
  • Parts 3
HINIRANG NA ANITO #2 | "Paano tayo tatakas mula sa kadena ng tadhana kung patuloy mong ikukulong ang sarili natin sa sawing kapalaran?" Mariing nakapikit ang mga mata habang pinagdidikit ang mga palad; sa ganyang hitsura lagi makikita ang dilag na si Tadhana sa t'wing papalubog ang araw sa dalampasigan. Parating dasal niya sa Hari ng Katubigan ay gisingin siya sa reyalidad o ibalik sa mundong kinagisnan. Ngunit sarado ang tainga ni Amanikable mula sa hiling ng mga mortal. Hindi siya nababahala sa anumang alay o katapatang ibigay nila, kahit buong buhay pa ang kanilang isumpa. Sa halip, huramento ni Amanikableng maghiganti sa kanila matapos masawi. Hanggang sa mag-krus ang landas nilang dalawa. Dinala siya ng mga baka-bakahan tungo sa dilag, habang tinuro naman ng aguhon ni Tadhana ang anito. Sa pagbubuhol ng kanilang kapalaran, mas lalong nakulong ang dalawa sa sumpa ng tadhana sa kanila. Sa pagpupumilit na kumalas sa isa't isa, mas lalo lang silang nasakal. At sa pagsasama naman ng dalawa'y nawala na sila sa landas.