Pahayagan Serye
3 stories
Nobela ng Nakaraan (Pahayagan Serye-Tres) by miss_reminisce
Nobela ng Nakaraan (Pahayagan Serye-Tres)
miss_reminisce
  • Reads 400
  • Votes 43
  • Parts 12
"Kung may pagkakataong maibalik ang nakaraan, sa iyong piling pa rin ang nais kong maging hantungan." Sa pagmamahal tila hindi maiiwasan ang mamangka sa dalawang ilog, kawangis nang nararanasan ni Susmitha, naiipit ito sa sitwasyon kung ano ang nararapat niyang piliin. Ang dati ba nitong pag-ibig na nagturo sa kaniya nang tunay na kahulugan ng pagmamahal o ang bagong pag-ibig na isinisigaw ng kaniyang puso. Subalit nang siya'y sumugal at ipinaglaban ang kaniyang bagong pag-ibig, naging matinding kalaban nito ang kaniyang pinakamamahal na kapatid. NOBELA NG NAKARAAN Book cover from Pinterest
Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno) by miss_reminisce
Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)
miss_reminisce
  • Reads 2,033
  • Votes 246
  • Parts 36
"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang tagapag-silbi sa mansyon ng mga Villaflores si Eliana Salazar siya ang nagsisilbing kanang kamay ng bunsong anak ng mga ito na si Miranda Villaflores. Labis ang utang na loob ng dalaga sa maharlikang pamilya lalo na sa bunsong anak ng mga ito. Ngunit sadya nga namang mapaglaro ang tadhana at sa hindi inaasahang pangyayari'y kapwa nahulog ang kanilang loob sa iisang binatang si Samuel Delos Santos. Magagawa bang magparaya at pakawalan ni Eliana ang binata at hayaan niyang sumaya ito sa piling ng iba?. O unti-unti na lamang niyang tatanggapin ang katotohanang ang tadhana'y hindi pabor sa kanilang pagmamahalan. LIHAM NG PAMAMAALAM (Serye Uno) Book cover from Pinterest Sinimulan: March 15 2022 Natapos: June 27 2022
Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos) by miss_reminisce
Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)
miss_reminisce
  • Reads 1,442
  • Votes 230
  • Parts 45
"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubos akalain ni Solana na mahuhulog ang loob nito sa isang Ginoong halos limang taon ang pagitan ng kanilang edad. Walang araw na sinasayang ito upang siya'y tuluyang mapansin ng binatang kaniyang iniibig. Subalit isang trahedya ang susubok sa kaniyang kapalaran na siyang dahilan nang pagkalaho ng mga tugma sa isang tulang kaniyang nililikha. Tulad nang dati'y maibabalik ba ang dating tugma ng kanilang tula? O mananatili na lamang walang tugma ang kanilang pagmamahalan. TULANG WALANG TUGMA (Serye-Dos) Book cover from Pinterest Sinimulan: Hulyo 1, 2022 Natapos: Septyembre 11, 2022