TO FALL AGAIN SERIES
4 stories
TFA SERIES #1: Rebbel Aragon (Soon) by rawraquinn
rawraquinn
  • WpView
    Reads 1,801
  • WpVote
    Votes 23
  • WpPart
    Parts 2
Buhay-reyna si Samantha oras na pakasalan niya si Hugo pero may hadlang dahil minsan na siyang naikasal. Annulment ang solusyon sa problema niya kaya naman kahit labag sa loob hinanap niyang muli ang kanyang estranged husband. Kahit pa kasing pait ng ampalaya at kasing sakit ng kagat ng dinasaur ang naging paghihiwalay nila. Agad naman na pumayag si Rebbel na pirmahan ang annulment paper nila pero sa isang kondisyon. Kailangan daw muna nilang umakto na parang totoong mag-asawa sa harap ng Lolo nito na malapit ng mamaalam. Pumayag siya madali lang iyon dahil minsan na niyang minahal si Rebbel. Alam niya kung paano kumilos na mahal niya ito. ---- "Pagkukunwari? Hindi mo na ako mahal?" nakataas ang kilay na tanong ng lalaki. "Hindi na, no longer, not anymore, wala na as in wala...na..." "Oh ba't natigilan ka?" Nakangisi ito habang ipinupunas ang t-shirt na hinubad sa pawisan nitong dibdib. Napalunok siya. Hindi maalis ang mga matang natatakam sa katawan nito. "You still love me, Sammy." Humakbang ito papalapit sa kanya. Nataranta naman siya. Nakalimutang makapag-isip ng tama. "I-I still do?" nginig ang bagang na tanong niya, sunod-sunod na napapalunok habang mas lalong lumalapit si Rebbel sa kanya. "Yes, sweetheart. You do, you always do," siguradong-siguradong anito bago yumuko at inilapat ang labi sa labi niya. Shit I do nga! - sigaw ng isip niya.
TFA SERIES #2: Marcus Saavedra by rawraquinn
rawraquinn
  • WpView
    Reads 1,888
  • WpVote
    Votes 31
  • WpPart
    Parts 2
Marami ng kalokohan at gulong pinasok si Raven na nagbigay ng sakit ng ulo sa kanyang mga mga gulang. Sa pagod ng mga ito dahil sa patung-patong na issue na kinasangkutan niya ipinakasal siya ng mga ito kay Marcus - laking kumbento na kinupkop ng Daddy niya. Hindi niya type si Marcus - dahil sino bang nagkakagusto sa lalaking makapal ang salamin at mukhang magsasaka? Pero wala siyang choice. Sa galit niya si Marcus ang pinarusahan niya. Ginawa niya ang lahat para maging impyerno ang buhay nito habang mag-asawa sila. Kaso mukha namang hindi ito apektado. Patay na patay sa kanya si Marcus at handang sambahin siya na parang siya ang lumikha dito. Ang kaso lahat pala ng bagay may hangganan. Miski ang pagmamahal ni Marcus sa kanya. Nakipaghiwalay ito at nagpakalayo-layo. Ikinagalit iyon ng mga magulang niya kaya hanggang sa huling hininga ng Daddy niya isinumpa siya nito. HINDI RAW SIYA LILIGAYA AT TATANDANG MAG-ISA KAPAG HINDI SIYA NAPATAWAD NI MARCUS AT HINDI ITO NAKIPAGBALIKAN SA KANYA! Mukhang totoo nga ang sumpa dahil lahat ng na papalapit sa kanya ay napapahamak. Natakot siya dahil sino na lang ang magpapalit ng diapers niya kapag tumanda siya? Kaya naman weather Marcus like it or not pipilitin niya itong balikan siya. Dahil hindi na raw siya nito mahal na mahal kundi mahal na lang at malapit na raw itong maka-move on konting-konti na lang raw. Pero kapag hinahalikan niya naman ito'y papikit-pikit pa ang tinamaan ng magaling. Update every Thursday and Tuesday
TFA SERIES #3: Aries Lagdameo by rawraquinn
rawraquinn
  • WpView
    Reads 805
  • WpVote
    Votes 5
  • WpPart
    Parts 1
Dahil sa mainit na panahon at malanding pagkakataon nagising si Gia na hubad sa kama katabi ng kababatang si Aries. Charges to experienced na lang sana ang kaso may sex video na kumalat at ang bida ay siya at si Aries. Wala silang nagawa ng ipakasal sila ng mga magulang nila para i-ahon siya sa kahihiyan. At aaminin niya na na-excite siya. Crush niya kasi si Aries sapul pagkabata nila ang kaso desidido naman si Aries na turuan siyang maging isang mabuting maybahay. Ang sarap i-unlove ng asawa niya kung hidni nga lang saksakan ng nilamnam. Despite of all things Aries make her do she fell hard to her husband. Only to find out na hindi naman talaga siya nito gustong turuan, gusto talaga siya nitong pahirapan para siya na ang kusang umayaw sa pagsasama nila. And Aries won. Sumuko siya at pinalaya ito. Five years had past si Aries naman ang naghahabol sa kanya. Galit ito dahil iniwan niya raw ito ng walang paalam. Matutuwa siguro ang batang siya pero marami ng nagbago. even if she wanted to fall for him again, she couldn't.
TFA SERIES #4: Fourth De Gracia by rawraquinn
rawraquinn
  • WpView
    Reads 808
  • WpVote
    Votes 4
  • WpPart
    Parts 1
May nag-iwan ng isang sanggol sa labas ng pintuan ni Fourth, may kasamang maliit na sulat na nagsasabing anak niya raw ang bata. Gulantang siya at ang unang nilapitan ay ang kapitbahay na ex-girlfriend niya, si Imelda, na abot hanggang China ang galit sa kanya. Binulabog niya ito at pinilit na tulungan siya sa problema niya sa ayaw at sa gusto nito. Napilitan naman ang dalaga, Imelda's heart melted nang makita ang bata. Hinaplos ng awa ang puso niya sa inabandonang sanggol. She was willing to be the baby's mother, and took her as her child. Ang hindi niya lang napaghandaan ay ang muling pagkabasag ng pader na itinayo niya para pigiling muling mahulog ang damdamin sa talipandas na dating kasintahan.