bbcallisto
- LECTURAS 8,636
- Votos 80
- Partes 2
Sa hangaring takasan ang magulong realidad ng kaniyang buhay, umalis sa trabaho si Tala, isang mahusay na Illustrator sa isang publishing company. Sa pag-asang makatagpo ng katahimikan, nagtungo siya sa probinsya upang magpahinga at takasan ang sakit na iniwan ng pagkamatay ng kaniyang kaibigan.
Ngunit sa gitna ng kaniyang pagtakas, isang mapaminsalang ipo-ipo ang tumama sa lugar na kaniyang tinuluyan-isang pangyayaring tila sumasalamin sa unos na matagal na niyang ikinukubli sa loob.
Habang unti-unting inilalantad ng mga pangyayari ang mga lihim ng nakaraan, mapipilitan si Tala na harapin ang isang katotohanang matagal niyang tinatakasan:
Paano kung siya mismo ang tunay na dahilan ng pagkawala ng kaniyang kaibigan?