MarianMahinay's Reading List
44 stories
Heartless (Published under Sizzle and MPress) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 119,940,510
  • WpVote
    Votes 2,864,345
  • WpPart
    Parts 66
Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang oras na lang ay pasko na. Yung feeling na tatlong araw na lang simula na ulit ng pasukan. Yung feeling na nasa gitna ka pa lang at di ka pa nakakarating. Yung feeling na malapit na pero hindi pa. Yun ang laging gusto ko. Yung nasa gitna pa lang. Yung nasa gitna ka ng dalawang bagay. Gitna ng isang building. Gitna ng langit at lupa. Gitna ng dalawang matatabang tinapay. Gitna ng byahe papuntang disneyland. Mas gusto ko yung feeling tuwing nagbabyahe kesa doon sa nakarating ka na. Mas gusto ko yung feeling na may inaantay ka kesa doon sa nandyan na. I always like the things in between. "You only like things in between, Coreen. You only like the chase... You only want me chasing after you. You don't want to decide... Pero pakiusap naman, magdesisyon ka na, kasi tao rin naman ako, nasasaktan. And you? I don't think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko... You are just too heartless."
The Perverted Vampire by shinkumi
shinkumi
  • WpView
    Reads 21,552,394
  • WpVote
    Votes 413,429
  • WpPart
    Parts 68
[The Walkers Trilogy #1] Simple at tahimik ang pamumuhay ni Kisha Louise Madrigal hanggang sa makilala niya ang ubod ng manyak na bampira na nangngangalang Van Rei Isaac Fenier Walker. Kung dati pinapangarap niyang sana totoo na lamang si Edward Cullen sa Twilight pwes ngayon totoong-totoo na ito sa katauhan ni Van. Magkaiba nga lang sila sa ugali. Sino nga bang mag-aakala na totoo ang mga bampira? Pero simula ng makilala niya si Van, tuluyan ng nabago ang buhay niya. Mga misteryosong tao, mga bampirang may iba't-ibang kapangyarihan, mga Vampire Hunter and to make it all worst, hindi lamang basta bampira si Van, siya ang pinakamalakas na bampira sa buong lahi ng mga ito. But let's add something more interesting in this, gusto ni Van na maging sex slave si Kisha. Anong gagawin niya? Sex slave nga ba? O totohanan na? Samahan natin ang mala-Edward and Bella story nina Kisha at Van na puno ng action, kalokohan , katatawanan, twists and turns na love story ng isang tao at bampira na hindi niyo inaasahan.
The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION] by grysorange
grysorange
  • WpView
    Reads 22,288,202
  • WpVote
    Votes 451,470
  • WpPart
    Parts 80
The LeFevre Mafia Series: Marcus LeFevre's story 1st installment of the LeFevre Mafia series. All LeFevre stories are interconnected. PUBLISHED UNDED SUMMIT MEDIA'S POP FICTION NOW AVAILABLE IN ALL LEADING BOOKSTORES NATIONWIDE
Hiraya (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 2,322,315
  • WpVote
    Votes 88,679
  • WpPart
    Parts 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,637,230
  • WpVote
    Votes 586,695
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
A Kidnapper's Mistake by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,206,345
  • WpVote
    Votes 137,202
  • WpPart
    Parts 28
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakamali kung tatakpan ito ng panibago pang pagkakamali? Namulat si Nightmare sa mundo ng digmaan at paghihiganti para sa katarunangan ng kaniyang mga magulang na walang-awang pinatay noong siya ay bata pa. Kasama niyang lumaki si Leon na siyang apo ng kanilang Commander at itinuturing niyang kapatid. Ngunit paano kung dahil sa isang misyon ay magbago ang takbo ng plano at maging ang kanilang mga kapalaran? Si Audrey ay isang reporter na puno ng prinsipyo sa buhay. Isang dalaga na may angking sikretong tinatago sa kaniyang pagkatao na hindi niya maaaring sabihin kahit kanino. Nang dahil sa isang pagkakamali ni Nightmare ay nagbago ang takbo ng buhay ni Audrey. Paano pa maitutuwid ang pagkakamali ng isang kidnapper na nahulog na sa bitag ng pag-ibig? Book Cover by: @WattpadBetaTeam Date Written: November 26, 2014 Date Finished: December 07, 2018
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,099,595
  • WpVote
    Votes 187,696
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 44,635,087
  • WpVote
    Votes 1,011,772
  • WpPart
    Parts 34
Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal. Dahil... Baka Sakali... Baka Sakali... Pero hanggang saan ang pagbabaka sakali mo?
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 40,114,357
  • WpVote
    Votes 996,729
  • WpPart
    Parts 34
Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal. Dahil... Baka Sakali... Baka Sakali... Kaya mo bang sumuko sa pagba baka sakali?