Sa mundo ng mga Elites may isang babae na natatangi... Dahil siya ang kaisa-isang 'low class' na nakapasok sa Royal Academy.. Ang eskwelahan para sa mga mayayaman sa buong mundo.. Hindi niya iniinda ang kahit anong pang-aaping ginawa sa kanya... Pero simula nung may nangyaring trahedya, nagbago ang lahat... Sa pagbabalik niya ipapakita niya kung sino ba talaga siya... Mula sa pagiging mala-anghel naging isa na siyang devil... Maraming sikreto ang mabubunyag.. Pero talaga bang nagbago siya o siya pa din ang anghel na kilala nila?
Bata pa kami inaaway na niya ko. Kinukurot. Sinisilipan. Binabato ng eraser. Napipikon ako lagi. Umiiyak. Nagsusumbong sa teacher. Nung grade one umiyak ako kasi hinila niya yung pigtails ko. Isang beses nung grade three hinila niya yung upuan ko kaya napaupo ako sa sahig.
Minsan nung grade five niregla ako, nakita niya yung tagos ko at pinagkalat sa buong klase.Nung first year high school ninakaw niya yung ID ko; ilang araw akong pinagmulta sa gate. Tapos ngayong sira yung sapatos ko, yayayain akong sumayaw.
Bad trip!