cyruslee5492's Reading List
9 stories
Si Prinsesa Magda by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 79,318
  • WpVote
    Votes 2,811
  • WpPart
    Parts 24
Walang kasing bait. Ngunit wala ring kasing bagsik. Hindi inakala ni Magda na magbabago ang takbo ng kanyang pamumuno ng dahil lamang sa isang taong hindi niya naman kadugo. Dahil sa isang pangakong binitiwan ay malalagay sa panganib ang kanyang buong nasasakupan, mailigtas lamang ang pamilya ni Kadyo, ang kanyang kinikilalang kapatid na minsan nang pinagtangkaang burahin ng kanilang ibang kalahi. Magawa niya kaya silang maprotektahan hanggang sa huli? Kasama na ang kanyang sariling buhay? Isang istorya ng dalawang magkaibang nilalang at ng pangakong binitiwan. Isang maigsing kuwentong kathang-isip lamang. Ang alin man pong nakakahawigan ng sa inyo ay hindi sinasadya, marahil ay pareho lang po tayo nang naisip. June_Thirteen's "Si Prinsesa Magda" All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.
Ang Mga Salagubang Ni Aling Del (COMPLETED) by stephenseven
stephenseven
  • WpView
    Reads 54,970
  • WpVote
    Votes 1,685
  • WpPart
    Parts 19
Kakaiba ang bagong kapitbahay ng magkapatid na Janny at Ronvic. Punas ito nang punas ng bibig dahil lagi itong naglalaway. May alaga rin itong mga salagubang. At higit sa lahat, may malagim itong sikretong tinatago. Isa siyang ASWANG.
NAWAWALANG PUNTOD by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 17,529
  • WpVote
    Votes 265
  • WpPart
    Parts 1
''Psst! Puwede bang magtanong?'' ''Matagal na 'kong naghahanap, 'di ko pa rin makita.'' ''Puwede mo ba akong tulungan?'' ''Sige na, o.'' ''Samahan mo naman akong hanapin ang PUNTOD ko.'' Copyright © ajeomma All Rights Reserved GENRE: PARANORMAL, MYSTERY/THRILLER
Bakanteng Nitso 4 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 155,467
  • WpVote
    Votes 1,658
  • WpPart
    Parts 5
Alister RETURNS- Bakanteng Nitso book 4 Nabigo si Alister na madala sa impyerno ang kaluluwa nina Ada at Apa dahil tinalo ito ng wagas na pag-ibig ng binata para sa kaibigang matagal na pa lang minamahal. Ngunit hindi matanggap ng lalaking may dilaw na mata ang kabiguan. Nangako itong magbabalik upang iharap ang kanilang kaluluwa sa kanyang panginoong Lucifer... sa anumang paraan! "Walang makatatakas kay Alister!" Umuugong nitong sigaw na sinundan ng mapanlinlang at tusong halakhak. Bakanteng Nitso 4 Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Buhay ko man ay 'di sapat  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 176,747
  • WpVote
    Votes 997
  • WpPart
    Parts 6
#WATTYS 2015 WINNER/Instant Addiction Habang nakatanaw sa matatalim na kidlat na nagsasalimbayan sa madilim na ulap, matuling nagbalik sa alaala ni Cristina ang nakaraan. Hindi na niya namalayan ang paglalandas ng luha sa magkabilang pisngi. "Inay, bakit nagagawa mo ito sa amin?'' bulong niya sa hangin. Ilang saglit pa ay unti-unti nang pumatak ang ulan. Nanatili siyang nakatingala at hinayaang palisin ng mumunting mga patak ang luhang humihilam sa kanyang mga mata. Napangiti siya. Sinasabayan ng langit ang kanyang pagtangis. Tila nais hugasan ang nagdurugo niyang damdamin. Maliliit pa ang dalawa niyang kapatid nang iwanan sila ng sariling ina. Tinalikuran at hindi nasilip man lamang. Siya ang nag-alaga at nagmistulang ina sa mga ito. Ang lolang magbobote ang kumupkop at nagpalaki sa kanila. Hanggang dumating ang isang tao na nagpabago ng lahat. Ang lalaking naging daan upang guminhawa ang kanilang pamumuhay. Isang araw, dumating ang kanilang ina at ang gusto ay makinabang sa kung ano mayro'n siya. Hindi niya ito natikis. Subalit hindi ito kuntento sa nakukuha at gumawa pa ng isang pagkakamali. General Fiction/ Drama Wattys2015 winner/ Instant Addiction Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Katatakutan sa likod ng bawat Alamat by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 17,427
  • WpVote
    Votes 620
  • WpPart
    Parts 3
Mahilig ka ba sa Alamat? May paborito ka ba sa mga Alamat na narinig o nabasa mo na? Paano kung may iba pang kwento sa Alamat na noong bata ka ay gustong-gusto mo na? Kuwentong kababalaghan at lagim ang dala? Magugustuhan mo pa kaya? Halika na at tunghayan ang naiibang bihis ng Alamat ng Pinya. Published under BSPub. (AMALGAMATION) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Obra Maestra by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 11,941
  • WpVote
    Votes 538
  • WpPart
    Parts 6
Dugo ang humahalo sa natatanging putik. Umaagos ang luhang pumait sa pagkamuhi, Tagaktak ang pawis habang hinuhulma ang hugis. Sa bawat paghagod ng mga palad at daliri, huni ng kakaibang ibon ang kasabay sa paghikbi. Labing tatlong hatinggabi sa nangingitim na langit. Nakadilat na buwan ang naging piping saksi. Nakakikilabot na hampas ng marahas na hangin, sa nilikhang nabuhay at maghihiganti! Obra Maestra Filipino/Makatagalog :) Mystery-Thriller/Dark Fantasy/Horror Written by: ajeomma
NMNL PRESENTS - Matalik Na Kaibigan by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 151,687
  • WpVote
    Votes 7,021
  • WpPart
    Parts 47
Gaano kahalaga ang isang salitang binitiwan mula sa nag-iisang itinuturing mong matalik na kaibigan? Isang kuwento ng pagmamahal at pag-asa sa isang nalayong kaibigan. Gagawin ang lahat magkita lamang silang muli kahit pa nasa kabilang buhay na. Makuha kaya silang matulungan ng nag-iisang taga-pagmana ni Andrea? Paano niya kaya mapagbubuklod muli ang damdamin ng isang sawi at ng kaibigang hindi naman talaga nakalimot pala. Isang istoryang kathang-isip lamang po. Kung ano mang pagkakahawigan ay hindi sinasadya. June_Thirteen's " Matalik Na Kaibigan " All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.
Ito kaya'y, totoo? {horror stories} by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 298,849
  • WpVote
    Votes 11,556
  • WpPart
    Parts 51
Mga matatandang kasabihan..., Mga sinaunang pamahiin........, Mga paniniwalang hindi maipaliwanag kung saan at kanino nagmula...., Sinusunod pa ba..? O pinagwawalang bahala na lamang sa paglipas ng mga taon at ng makabagong panahon? Ito kaya'y totoo? Gusto mo bang maranasan upang iyong ... MAPATUNAYAN? ...ang nilalaman ng kwentong ito ay kathang isip lamang ng inyong lingkod ayon sa mga sinaunang pamahiin at kasabihang aking tatalakayin. maraming salamat po.. (*^__^*) Copyright © ajeomma All Rights Reserved