A Man's Life [Season Two]
aKo_Narcisso
- Reads 17,897
- Votes 634
- Parts 8
Pagbabago.
Lahat ng tao hangad ang pagbabago. Pero bakit nga ba tayo naghahangad magbago? Para ba sa sarili? O para sa ibang tao? Kaya ba nag-iiba ang tao dahil ginusto nito? O dahil sa iyon ang nararapat.
Sabi nga nila, ang buhay ay isang malaking hamon. At ang buhay ko? Siyempre inuulan ng pagsubok. Pagsubok na susukat, magpapatibay at sa akin bilang isang indibidwal. Mahirap makisama, mahirap makisalamuha.
Sa kadahilanang ito, ang pagbabago ang naging sandigan ko. Kailangan kong ibahin ang sarili ko. Para sa sarili ko, para sa mga taong nakapaligid sakin, at upang ma-inda ang lahat ng ibinubuhos ng buhay.
Ngunit hanggang saan ang kaya kong baguhin? Ano ang mga bagay na kaya kong isakripisyo? Kaya ko bang ikaila ang sarili ko para lang tanggapin ng mundo? Ng mga tao? Upang makamit ang sinasabing pagbabago?
Pipilitin ko pa rin bang magbago? Kahit na ang kapalit nito ay hindi ko na makilala…
...ang tunay na ako?
Isa lang ang sigurado.
Lalaki talaga ako. Promise!