joreybil12's Reading List
22 stories
ONE NIGHT WITH MY BEST FRIEND BOSS by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 159,024
  • WpVote
    Votes 4,319
  • WpPart
    Parts 9
ASTRO SERIES 1: ARIES GALBAN
Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,067,736
  • WpVote
    Votes 23,017
  • WpPart
    Parts 31
Sa walong magkakapatid na Ford ay si Seige ang pinakamahilig mangtrip. Grade school palang ay palagi siyang laman ng guidance office. Si Seige ang sakit sa ulo ng mag-asawang Dimitri at Beatrice. Nang mag-highschool at kolehiyo siya ay isa siya sa binansagang Campus Crush ng West Cassex University, kung saan nag-aaral rin ang mga kapatid niya. Hindi na niya kailangan pang lumapit sa mga babae dahil ang mga babae na mismo ang kusang lumalapit sa kanya. Pero isang araw, sa isang visit school activity ng school nila sa ibang school sa maynila. Graduating na si Seige sa college bilang law student kaya kailangan niya rin makita at may iba pang malaman sa ibang professor sa ibang school para mas matutunan ang mundo ng batas. Napadpad si Seige sa pinakagarden kung saan tahimik at payapa, pero may nakita siyang babae na nakaupo habang natutulog sa isang table. Balak niya sanang pagtripan ngunit natigilan siya na makita ang malaanghel nitong mukha. Balak sana niyang nakawan na lang ito ng halik ng tawagin siya ng mga kaibigan niya. Napurnada pa ang binabalak niya at tila siya asong nabahag ang buntot na napatakbo ng magising ito bigla. Magawa pa kaya niyang mapakapag biro sa babaeng hindi kayang lumaban sa kanya at hulog ng langit ang kabaitan. At kung kelan siya nag seryoso ay doon pa siya tila napag tripan ng pagkakataon. Dahil sa paningin ng babaeng nagugustuhan niya ay isang biro lang ang lahat ang feelings niya. Copyrights 2017 © MinieMendz
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published) by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,838,772
  • WpVote
    Votes 36,468
  • WpPart
    Parts 38
Walang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit ganoon ay na-attract pa rin siya rito. Hanggang sa lumalim ang atraksyon na naging sanhi para ibigin niya ito. Sa kabila ng misteryong bumabalot sa pagkatao ni Atreo ay hindi niya mapigilang ibigay ang sarili rito nang buo-buo. Ngunit sa isang iglap ay nagbago ang buhay niya nang malaman niya na ang lalaking inibig niya ay mayroon na palang iba. At ang mas masakit ay nang malaman niya na isa lamang siyang hamak na kabit nito. READ AT YOUR OWN RISK!!!!!!!!! © MinieMendz
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing] by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 990,878
  • WpVote
    Votes 29,867
  • WpPart
    Parts 35
Lucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na nagpasaya sa kanya dahil akala niya ay makakasama na niya ito at masasabi rito lahat ng nangyayari sa kanya, ngunit umalis din agad ito, at ang kinaguluhan niya ay kung bakit may iniwan naman itong batang lalake. Pinaubaya sila sa kakilala nito. Nais niyang maiyak dahil hindi na bumalik ang kanyang ina. At masama ay minamaltrato sila ng pinag-ubayaan ng kanyang ina sa kanila. The boy is one year old.. He can't say his name. He don't know who he is. The only word he know is 'Mama'. He keeps calling her 'Mama'. Walang magawa si Lucy kundi ang mag-isip ng pangalan. At pinangalanan niya na lang niya itong 'Louis'. Lumaki naman si Louis na ang tanging nakaukit sa isip ay 'Mama' niya si Lucy. Iniisip ng ibang tao na mag kapatid sila, pero hindi magbabago ang pakikitungo niya kay Lucy bilang kanyang Mama. Lumaki silang hirap ang dinanas. At dahil sa kahirapan ay hindi niya akalaing papasukin ni Lucy ang isang trabahong hindi niya kailanman gugustuhin. Tinulungan naman niya si Lucy para umalis na ito sa ganoong uri ng trabaho, ngunit ang masakit ay hindi lang trabaho nito ang hindi niya kayang paalisin rito, maging ang lalakeng pinipilit na pagmamay-ari si Lucy. Sumama si Lucy sa lalake. Naiwan siyang mag-isa na may dinadamdam na sakit at galit na naramdaman rito. Hanggang malaman niya ang buong pagkatao niya--na siya pala ay si Santiago Bently Esteban na anak ng isang mayamang Esteban. Nagbago ang buhay niya ngunit mayroong bahagi sa puso niya na puno ng pighati at galit para sa dalagang isang araw ay babalik na lang bigla. Gustong bumalik ni Lucy sa buhay ni Louis. But she's late, because Louis is going to marry someone... And she's the strip dancer to his bachelor party. And it's her job. Copyrights 2019 © MinieMend
The Eye Patch Man's Bride (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 295,273
  • WpVote
    Votes 7,078
  • WpPart
    Parts 13
Itinakdang ikasal si Molly sa lalakeng hindi pa niya kailanman nakikita. Hindi niya nais magpakasal, ngunit dahil sa kanyang Ama na palaging nasusunod ang gusto ay wala siyang magawa--ngunit hindi ang araw mismo ng kanyang kasal. Gumawa ng paraan ang kanyang Ina upang hindi siya makasal sa lalakeng pinapakasal sa kanya. Tumakas siya at sumakay ng barko para magpunta sa isla ng kanilang kasambahay, ngunit nagkaroon ng trahedya ang sinasakyan niya. Tumalon siya sa dagat para makaligtas ngunit napadpad naman siya sa islang hindi niya dapat puntahan. Sa pagpadpad ni Molly sa Isla Del Predo ay makikilala niya ang lalakeng may mahabang buhok at may takip ang mata na sa unang pagkikita palang ay nabastusan na siya--Si Damos--ang nagmamay-ari ng isla at ang lalakeng nagligtas sa kanya. Ano kaya ang magiging kapalaran ni Molly sa isla ng lalake kung hindi naman siya makaalis? Magkaroon kaya ng matinding atraskyon ang pagitan nila kung patuloy ito sa panunukso sa kanya? Paano rin kung ang lalake ay hindi lamang simpleng lalake? Paano kung ang lalake ay una palang ay may kaugnayan na pala sa buhay niya? © MinieMendz
In Vega's Arms ✓ by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,083,180
  • WpVote
    Votes 21,701
  • WpPart
    Parts 30
Damon Vega is a businessman but also known as the possessive hot boyfriend of Venice Santillan.. Walang ibang nakakapagpahupa ng galit nito kundi si Venice lamang na isa namang model at the same time ay designer. Matagal na silang nagsasama ngunit nang tumagal ay may napansin at nalaman si Venice kay Damon na kinasakit ng puso niya. She thought he love her the way she love him, pero mali pala, dahil nalaman niya na kaya pala siya nito nagustuhan ay dahil kamukha siya ng dati nitong nagugustuhan. Pero paano kung mali pala siya? Paano kung talagang mahal siya nito at ibang klase lang ang lalim ng pagmamahal nito? Mas masasaktan ba siya kung malaman niyang baliw na baliw ito sa kanya, na tipong nasasakal na siya. © MinieMendz
Violence Of Love (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 893,192
  • WpVote
    Votes 18,152
  • WpPart
    Parts 30
Prinsipyo sa kinalakihang batas ang tanging mas matimbang kay Dante Soriano. Wala siyang sinasanto basta lumabag sa batas. Nagkaroon siya ng proyekto kung saan merong isang drug lord na kanyang sinubaybayan. At nalaman niya na meron itong isang anak na babae, si Anna Francia Garcia, na lumaking isang mabait na anak, maganda at masipag sa pag-aaral. Walang araw na hindi ito tinutukso patungkol sa ama nito na isa daw drug lord. Hindi nito pinapaniwalaan ang mga akusa dahil alam nito na isang malaking company ng chlorine ang negosyo ng ama niya. Hanggang sa mag kakilala si Dante at Anna, at lalong lumalim ang pagtingin ni Dante sa dalaga na noo'y minamasdan lamang sa malayo. Imbes na ang drug lord ang subaybayan ni Dante ay hindi niya namalayan na si Anna na ang kanyang sinusubaybayan. Ngunit darating din sa punto na aabot sa kalituhan si Dante. Kalituhang magiging sanhi para ang prinsipyo niya na tuluyang mababali ng dahil lamang kay Anna. Mas matimbang kaya sa kanya ang batas na prinsipyo na niya sa buhay o ang pag-ibig niya kay Anna? Start: March 22, 2018 Finish: July 16, 2018
The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,700,783
  • WpVote
    Votes 32,600
  • WpPart
    Parts 33
Pagiging Doctor ang pinili ni Hammer Jackson Esteban na kanyang propesyon. Isang surgeon at pinakamagaling na batang doctor. Ngunit isa rin siyang walang puso na hindi pinapansin ang damdamin ng ibang pasyenteng tinatanggihan niya kapag nais siyang kuning maging doctor. Hindi alintana ni Hammer ang tawag sa kanya ng ibang tao dahil gagawin niya lang ang nais niya kung kailan niya gusto. Pero makatanggi pa kaya siya kung ang babaeng dumadanas ng sakit ang manganib ang buhay. Makaya niya kayang gamutin ang puso ng babaeng puno ng lamig at dilim. Ang babaeng nais siyang saktan upang makamit ang ninanais. 'Love can manipulate people but not mine..' -Hammer. © MinieMendz
The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,803,455
  • WpVote
    Votes 37,522
  • WpPart
    Parts 35
Hindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niya maiwasan. Naiipit siya sa mga tinaguriang hari ng Esteban University. Takot siya lalo na sa King of Devil na si Greyson Martin Esteban, ang pinakamasamang nilalang na ata na nakilala niya. Kabaligtaran sa hinahanga niyang si Lincoln Porter Smith, ang hari na isang Angel, Mabait, at Gentleman para sa kanya. Hindi niya kailanman hiniling na mangyari sa kanya na magustuhan siya ng dalawang hari na tingin niya ay bangungot sa buhay niya. The Obsession of Greyson Martin Esteban. READ AT YOUR OWN RISK!!!!!
The Mafia Lord James Esteban (Self Published) by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 3,456,955
  • WpVote
    Votes 10,218
  • WpPart
    Parts 5
The heartless, handsome, and the most powerful mafia boss-James Esteban. Sa edad na sampung taon ay niluklok na siya bilang pinakabatang mafia ng bansa. Nang dahil sa galing sa pakikipaglaban ay marami na agad ang natatakot na kalabanin siya. Batak sa training at napakaikli ng pasensiya. Lahat din ng kaniyang gusto ay dapat na nakukuha niya. Sa kaniyang pagbisita sa ospital na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay doon niya natagpuan ang pinakamagandang sanggol na nakita niya sa kaniyang tanang buhay. Matatawag siguro siyang 'child abuse' dahil sa unang beses pa lamang niyang makita ito ay nahumaling na agad siya rito. Kaya naman dineklara niya na magiging kanya ang babaeng sanggol na si Gabriella Cruz. Kaya niyang gawin ang lahat kahit pa gamitin ang sitwasyon ng magulang ni Gabriella. Naging matagumpay siya dahil nakuha na niya ang permiso ng magulang ng sanggol, ngunit kailangan niya pang maghintay na maging disiotso ang edad nito upang kanya ng maging pagmamay-ari. Wala siyang pakialam kung mas bata ito sa kanya, dahil ang importante lamang ay makuha niya ang gusto niya. Walang siyang pakialam kung lumabag siya sa batas, dahil kaya niyang kontrolin ang lahat kahit pa ang batas. Ang tanging kaya lamang siyang kontrolin at paamuhin ay ang 'baby' niya-Ang mafia'ng si Gabriella.