VanzLorica's Reading List
5 stories
Maalamat: Pakikipagsapalarang Paghahanap na Paglalakbay by VanzLorica
VanzLorica
  • WpView
    Reads 83
  • WpVote
    Votes 12
  • WpPart
    Parts 21
Si Vanreico na isang Necromancer ay naging isang ganap na bayani sa panig ng mga tao matapos ang naantalang paligsahan at magtagumpay sa paglilitis sa kanya upang maging ganap na bayani ng Rehiyon ng Mahiwaga. Kasama niya ang kanyang mga kasamahan na sina Ulymar, Reyskie, Claudia at Ren sa misyong ipinagawa sa kanila ni Barron Callu kung saan ay kailangan nilang maglakbay, makipagsapalaran at maghanap sa mga rehiyong sumisimbolo sa rehiyon ng Morzuwad upang mangalap ng kaalaman kung nasaan na ang mga Necromancer na kalahi ni Vanreico matapos na mag-laho ang mga ito sa isang naganap na digmaan sa pagitan ng mga Necromancer at ng mga Engkantong Dilim 17 taon na ang nakakalipas. Ang Kuwentong ito ay pagpapatuloy mula sa naunang kuwento na "Ang Alamat ng Maalamat na Bayani".
Paraiso: Ang Kayamanan sa Liham by VanzLorica
VanzLorica
  • WpView
    Reads 103
  • WpVote
    Votes 17
  • WpPart
    Parts 13
Isang lalaki na tinatawag na "Cool 'To" ang nagnakaw sa isang liham mula sa isang tiwaling opisyal na nagnakaw naman nito sa pambansang museyo. Matapos itong makuha ng lalaki na nagnga-ngalang Angelo ay niyaya niya ang mga kaibigan niya na sina Ryan, Keith Lorenz at Alyssa na maglakbay at hanapin ang kayamanan na tinutukoy sa liham.
Re«play by VanzLorica
VanzLorica
  • WpView
    Reads 75
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 5
Nakaranas ka na ba ng pagka-sawi o kaya'y mabigo sa isang bagay sa iyong buhay? Kung mararanasan mo man ito, Ano ang gagawin mo? Napapansin ko lang kasi na halos karamihan ng tao na nakakaranas ng pagka-bigo sa buhay ay kadalasang napapariwara at nawawala sa tamang landas ang kanilang buhay. Maaaring pagka-bigo man ito sa pag-ibig, sa trabaho o kung ano pa man, at kung minsan pa nga'y yung iba ay humahantong sa pagpapakamatay sa kanilang mga sarili. Ngunit kung maisip mo man na gawin ito... Teka lang muna Kaibigan. Baka may nakakalimutan ka lang tungkol sa iyong sarili. Ang kuwentong ito ay ang pagpapatuloy sa kuwento ng "Lumuluhang Puso at Tumitibok na Luha" na mababasa rin sa wattpad. Ito ang kuwento kung saan Nagbakasyon si Vanz sa kanilang probinsya sa Mindanao. Sa pagpunta niya at pagbalik sa probinsya ay doon niya mararanasan ang panibagong yugto sa kanyang buhay na siyang may ugnayan sa kanyang tunay na sarili. Si Vanz ay isang binatilyong taga-Luzon, simple ngunit may malambot na damdamin minsan. Ang Kaniyang damdamin ay tila magkahalo at tila hindi niya maintindihan. Kadalasan ay naguguluhan siya sa ilang mga bagay pagdating sa kaniyang kalooban. Ngunit sa pagdating niya sa Probinsya. Malalaman kaya niya kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman sa kanyang sarili na tila hindi niya maipaliwanag? Upang malaman ang mga nangyari kay Vanz at tungkol sa mga damdaming hindi niya maipaliwanag ay maaaring basahin ang kuwento ng "Lumuluhang Puso at Tumitibok na luha" upang mas maunawaan ang mga mangyayari sa kuwentong ito. (^_^)
Lumuluhang Puso at Tumitibok na Luha by VanzLorica
VanzLorica
  • WpView
    Reads 198
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 18
Sabi nila huwag ka daw magmadali pagdating sa pag-ibig. Marunong ka daw dapat maghintay ng Tamang Panahon. Sabi nila yun kaya yun ang tumatak sa isip ko sa tuwing magkakaroon ako ng paghanga sa isang tao. Pero paano kung sa kakahintay mo ay bigla siyang dumating sa buhay mo ng maaga? Di ba't nakapagtataka? Nadadalawang isip ka kung siya na nga o hindi pa. Tanong? Handa ka ba sa anumang mangyayari? May sapat ka na bang armas at panangga sa sakit na mararamdaman mo kung sakali? Haba ng Description hahahaha xD de 'joke... (Mahaba daw xD) Ito nga pala ang kwento ng aking isang kaibigan sa loob ng isa kong katauhan hahaha xDD Ang katauhan ko pagdating sa Pag-ibig. Sana masiyahan kayo sa istorya ko.. Gagawin kong malamig ang summer niyo bwahahahahaha xDD Hit Like, Comment and Vote para masaya ang summer niyo este natin pala hahha xD #Coke(ShareTheHappiness) #cLvNz04
Ang Alamat ng Maalamat na Bayani by VanzLorica
VanzLorica
  • WpView
    Reads 3,849
  • WpVote
    Votes 224
  • WpPart
    Parts 72
Sa isang malayong Sansinukob. Malayo sa ating mundong ginagalawan. Isang mundong pawang na imposible at tila kathang isip lang sa mundo natin. Marahil ay marami na kayong nabasang mga alamat. Iba't ibang klaseng istorya, paglalakbay at hiwaga. Pero sa lahat ng alamat na yun ay siya ring nakapagbigay ng mga aral sa atin. Ngunit paano kung meron pa palang isang uri ng alamat na hindi mo pa nababasa? Isang Alamat na pawang magdadala sa inyo sa harapan ng Tarangkahan o mismong pasukan o lagusan papunta sa isang mundong nababalot ng misteryo at hiwaga. Isang mundong puno ng Alamat at Maalamat na pangyayari. At isang mundong mag-iiwan sa inyo hindi lang ng aral kundi ng isang kamangha-manghang Ala-ala na matatamo ninyo sa paglalakbay sa mundong ito. Ikinagagalak ko kayong dumayo sa mundong ito at Maligayang Pagdating... Sa Mundo Ng EGALS